top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Cojuangco, silver sa Asian Games Archery

Writer: BULGAR
BULGAR
6 hours ago
1 min read

by Gerard Arce @Sports News | October 1, 2026



Archer Amaya Cojuangco sa Asian Games - (goforgoldphpic)

Photo: Makapigil-hininga ang mga aksiyon sa laban ni archer Amaya Cojuangco sa Asian Games. (goforgoldphpic)



Bahagya mang kinapos sa asintang gintong medalya si Pinay archer Amaya Cojuangco sa women’s Compound Individual event, nagawa naman nitong maging pinakamahusay na Pinoy archer sa kasaysayan sa napalasong pilak na medalya laban sa archer ng Indonesia na si Nurisa Dian Ashrifah sa iskor na 137-139, ngayong umaga sa 20th Asian Games Aichi-Nagoya 2026 Archery competition na ginanap sa Okazaki Chuo Sogo Park Multipurpose Square, Aichi Prefecture, Japan.


May pagkakataong makuha ng two-time Southeast Asian Games gold medalist ang kauna-unahang gintong medalya ng Pilipinas sa Asian Games sa kanilang larangan matapos tumuntong sa tablahang 110 marka sa pagpasok ng huling tatlong arrows.


Naunang pumukol ang Indonesian archer sa pang-limang set matapos tamaan ang panlabas na ring sa gold zone sa iskor na 9, ngunit hindi nagawang samantalahin ng 40-anyos na si Cojuangco ang pagkakataon at nakuha rin nito ang parehong puntos sa 119-tabla.


Sinelyuhan ni 2025 SEA Games double gold medalist na si Ashrifah ang laban matapos muling makuha ang 10 point-mark na tagumpay, habang muling nakakuha ng 9-points si Cojuangco sa huling tira.


Ito ang kauna-unahang silver medal ng Pilipinas sa archery sa quadrennial meet matapos makuha ni Paul Marton Dela Cruz ang tansong medalya sa men’s individual compound event noong 2014 Incheon Games, habang umangat sa apat na pilak na medalya ang naiambag sa kabuuang bilang ng medalya para sa Pilipinas tungo sa 3 golds, 4 silvers at 12 bronze medals ng Pilipinas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page