Lyceum, gold sa NCAA chess; Westbrook, lumipat sa Lakers
- BULGAR
- Jul 31, 2021
- 1 min read
ni VA / MC - @Sports | July 31, 2021

Nakamit ng Lyceum of the Philippines University (LPU) ang gold medal sa seniors division ng NCAA Season 96 online chess tournament. Ang huling pumasok na semifinalist na si Neymark Digno ang nanalo ng gold medal para sa Pirates.Ginapi ni Digno sa finals si Carl Jaedrianne Ancheta ng Arellano University noong nakaraang Huwebes. Nauna nang iginupo ni Digno si Adrian Othniel Yulo ng College of St. Benilde sa semifinals upang umabot sa kampeonato. Samantala, inangkin naman ni Carl Zirex Sato ng University of Perpetual Help System DALTA si Yulo sa naging laban nila para sa bronze medal.
Samantala, nagkasundo ang Washington Wizards na ibigay si superstar Russell Westbrook sa Los Angeles Lakers kapalit ng tatlong manlalaro at No. 22 pick sa ginanap na NBA draft, ayon sa Athletic at ESPN. Dagdag pa dito ang first-round pick, kung saan makukuha ng Wizards sina Kyle Kuzma, Kentavious Caldwell-Pope at Montrezl Harrell, ayon pa rin sa ulat.
Ipadadala ng Wizards ang kanilang 2024 second-round pick at 2028 second-round pick sa Lakers. Magbabalik si Westbrook, 32, sa kanyang bayan sa California kung saan ito naglaro nooong college sa UCLA.





Comments