top of page
Search

ni Anthony E. Servinio @Sports | March 6, 2026



Takbo Para sa Kalikasan

Photo: Iniliunsad ang Takbo Para sa Kalikasan Fire Run sa pangunguna nina Ernie at Jenny Lumba ng Green Media Events sa SM Manila kung saan aabangan ang obstacles at iba pang sorpresa sa first series ng patakbo sa Mayo 24, Quirino Grandstand. (Bulgar via Gen Villota)



Ngayong 2026 may pagbabago na tiyak papatok sa mga suki ng serye mula pa 2018.

Tulad ng kinagawian, bubuksan ang serye ng apat na karera ng Fire Run ngayong Mayo 24 sa Quirino Grandstand. Maglalatag ng ilang obstacle sa kahabaan ng ruta ng 16, 10 at 5 km.


Susunod ang Water Run sa Hulyo 26 na gagawing Bubble Run. Titingnan kung malulusutan ang hamon mga bula hanggang 18 km. Ang Air Run ay sa Set. 20 at ito ay isang Color Run. Ibang klaseng saya ang hatid ng pagsaboy ng iba't ibang makulay na pulbos sa Half-Marathon o 21.1 kilometro.


Tutuldukan ang serye ng Earth Run sa Nob. 15 kung saan may espesyal na karera para sa alagang aso. Tampok dito ang 25 km. Lahat ng makakabuo ng apat na yugto at makakakuha ng isang mas malaking medalya. May tatatakan na papel sa bawat karera bilang katibayan.


Maliban sa t-shirt at medalya na matatanggap ng lahat na magtatapos sa lahat ng kategorya ng dagdag na inumin (Fire), tuwalya (Water), sunglass at medyas (Air) at head band (Earth).


Maaaring magpalista na sa mga piling sangay ng Chris Sports. May online din sa opisyal na Facebook ng Takbo Para Sa Kalikasan.


Magbabalik ang BULGAR bilang opisyal na media partner ng buong serye. Abangan ang mga sorpresa sa araw ng bawat karera.

 
 

ni Gerard Arce @Sports | February 19, 2026



Sorana Cirstea vs. Alexandra Eala

Photo: WTA / Alex Eala at Sorana Cirstea



Damang-dama ni Filipina tennis star Alexandra “Alex” Eala ang ibinibigay na lakas ng suporta ng mga Pinoy na isa sa kanyang naging sandalan upang makaabot sa round-of-16 at makakatapat si World No.32 Sorana Cirstea ng Romania ngayong umaga (oras sa Pilipinas) sa Dubai Tennis Championships sa Dubai Duty Free Tennis Stadium sa United Arab Emirates.


Muling nagpataob ng higher ranking ang 20-anyos na Pinay matapos pasukuin si World No. 45 Hailey Baptiste ng US sa round of 64 sa 6-4, 0-1, sunod nitong dinaig si World No.8 at No.6 seed Jasmine Paolini ng Italy sa bisa ng 6-1, 7(7)-6(5) kahapon ng umaga (oras sa Pilipinas). 


I think today I came out on fire,” wika ni Eala matapos ang laro. “She’s a great opponent obviously being Top 10. To be able to compete with her at this level is a great achievement for me. She is an incredible fighter, to be sure, but I was very focused and I was able to maintain that throughout the whole match. Every time the opportunity arose, I tried my best to be brave and go for my ball.”


Kinakitaan naman ng mas matinding laban ang Italian tennis star pero muling narinig ang malakas ng cheer at palakpakan ng mga Pinoy sa tiebreak sa loob ng 5000-capacity na stadium para makakuha muli ng motibasyon sa laro.


Sunod na susubukang makalampas ng left-handed Pinay kontra Cirstea, na minsang tumalo rito noong 2024 Madrid Open sa bisa ng 2-6, 7-6, 4-6. Ang 35-anyos na Romanian ay minsan ng napagwagian ang WTA 1000 tournament noong 2024.

Sakaling manaig si Eala ay maaaring sunod na makatapat nito ang mananalo kina No.3 seed at World No. 4 Coco Gauff ng US, na nagwagi ng Grand Slam titles sa 2023 US Open at 2025 French Open, at World Doubles No.1 Elise Mertens ng Germany sa quarterfinals. 

 
 

by Cristine Marish Rivera @Sports News | February 18, 2026



Alex Eala at Jasmine Paolini - Dubai Duty Free Tennis Championships - Instagram

Photo: Alex Eala at Jasmine Paolini - Dubai Duty Free Tennis Championships - Instagram



Our tennis star! Emosyonal ang pagkapanalo ni Pinay Tennis Player Alex Eala laban sa World No. 8 player na si Jasmine Paolini sa 2026 Dubai Tennis Championships, sa iskor na 6-1, 7-6(5).


Naipanalo ni Eala ang magkasunod na set ng tapatan dahilan para umabante ito sa round of 16 ng torneo.


Sa isang panayam, ibinahagi ni Eala na pinigil niya ang kanyang emosyon noong tiebreak, “All the emotions are coming because the tension was so high, especially during that second set, so I’m really happy to have gotten through.”


Gayunpaman, kinilala ni Pinay Tennis Star ang suporta ng fans, lalo ng mga Pinoy, “At the change of ends, I was thinking, you know, this stadium is full of Filipinos. Tapos sabi ko ’ilan kaya sa inyo yung nagdadasal para sa akin?’ So I really had to give everything I’ve got.”


Samantala, susunod na makakaharap ni Eala ang pambato ng Romania na si Sorana Cirstea.



“At the change of ends, I was thinking, you know, this stadium is full of Filipinos. Tapos sabi ko ’ilan kaya sa inyo yung nagdadasal para sa akin?’ So I really had to give everything I’ve got.”





‘Ilan kaya sa inyo ‘yung nagdarasal para sa akin?’


Todo-pigil daw si Pinay Tennis Player Alex Eala ng kanyang emosyon sa kasagsagan ng laban dahil sa tensyon kontra World No. 8 player Jasmine Paolini sa 2026 Dubai Tennis Championships.


Tinalo ni Eala si Paolini sa kanilang tapatan sa iskor na 6-1, 7-6(5).


Ayon kay Alex, nagsibling motibasyon niya ang mga Pilipinong dumagsa sa kanilang venue para sumuporta.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page