top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Jazz, naniguro na sa Top 1; 6 team, swak sa West Playoffs

BULGAR
May 18, 2021
2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | May 18, 2021




Nagbunga ang limang buwang pagsisikap ng Utah Jazz at sila na ang numero unong koponan sa pagwakas ng 2020-2021 NBA regular season kahapon sa Golden 1 Center. Sinigurado ng Jazz ang karangalan sa madaling 121-99 tagumpay sa Sacramento Kings sa likod ng 33 puntos ni Pinoy pride Jordan Clarkson.

Nagtapos ang Jazz sa kartadang 51-21. Huling naging numero uno ang Utah sa buong NBA noong 1998 sa 62-20 panalo-talo tampok sina Karl Malone at John Stockton subalit natalo kay Michael Jordan at Chicago Bulls sa NBA Finals.

Ipinasok ni E’Twuan Moore ang tres na may 2.2 segundo sa orasan upang itulak ang Phoenix Suns sa San Antonio Spurs, 123-121. Pangalawa ang Suns sa West sa 50-22, isang laro lang ang agwat sa Jazz.

Ibinuhos ng defending champion Los Angeles Lakers ang lahat ng kanilang lakas upang magwagi sa New Orleans Pelicans, 110-98, subalit nabitin pa rin sila. Walang nagawa ang Lakers at pinanood ang Portland Trail Blazers na magwagi sa Denver Nuggets, 132-116, upang mabuo ang unang anim na kalahok sa playoffs sa Western Conference.

Haharapin ng #7 Lakers (42-30) sa State Farm Play-In Tournament ang Golden State Warriors ang Golden State Warriors na nakamit ang #8 matapos talunin ang Memphis Grizzlies, 113-101, sa likod ng 46 puntos ni Stephen Curry na sapat para sa scoring title na may 32.0 puntos sa 63 laro – ang pinakamataas sa kanyang 12 taon sa NBA. Dahil nabigo, maglalaro ang #9 Grizzlies (38-34) ang #10 San Antonio Spurs (33-39) sa Play-In.

Panalo ang Brooklyn Nets sa Cleveland Cavaliers, 123-109, para sa #2 ng East. Susunod para sa Nets (48-24) ang magwawagi sa Play-In ng Boston Celtics (36-36) at Washington Wizards (34-38).

Umakyat ang Wizards sa #8 sa bisa ng kanilang 115-110 tagumpay sa Charlotte Hornets, na ngayon ay haharapin ang Indiana Pacers sa Play-In. Triple double muli si Russell Westbrook na 23 puntos, 15 rebound at 10 assist.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page