top of page
BIDA - JANELLA KAY KLEA I LOVE YOU SO MUCH, MY BABY, MY LOVE, MY SWEET BABY BOO!-IG _kleap
Search

ni Anthony E. Servinio @Sports | May 16, 2026



Caracut bagyo ng E-Painters swak sa semis, giba ang SMB

Photo: Credit Official PBA


Laro ngayong Sabado - Ynares Antipolo

5:15 PM Meralco vs. Magnolia

7:30 PM NLEX vs. TNT


Umapoy mula sa malayo ang Rain Or Shine Elasto Painters sa huling mga minuto upang masugpo ang San Miguel Beermen, 113-104, sa 2026 PBA Commissioner's Cup quarterfinals kagabi sa Ynares Center Antipolo. Ang ROS ang unang koponan na pasok sa semifinals.


Pumukol ng dalawang three-points at isang four-points si Andrei Caracut upang itayo ang 105-97 lamang sa huling tatlong minuto. Hindi pa tapos si Caracut at sinamahan siya nina Caelan Tiongson at Jaylen Johnson para lalong idiin ang kalaban, 113-100, na pinakamalaking agwat sa buong laro at isang minuto ang nalalabi.


Hinirang na Best Player si Caracut na may 29 puntos mula sa anim na tres. Parehong 23 sina Tiongson at Johnson. Ayon kay Coach Yeng Guiao, araw talaga nila at ito ang pinakamagandang pagkakataon na pumasok sa semifinals. Kapag pinaabot nila ng Linggo ay baka hindi na nila matatalo ang SMB.


Nanguna sa Beermen si Bennie Boatwright na may 24 habang 19 si CJay Perez. Naglaho ang pangarap na Grand Slam ng SMB na kampeon sa nakaraang Philippine Cup.


Tinatapos din kagabi ang tapatan ng #2 Barangay Ginebra at #7 Phoenix Fuel Masters.


Ang mananaig sa nasabing serye ang makakalaro ng ROS sa best-of-seven semifinals.

Dalawang knockout game para sa semifinals ang handog ngayon sa parehong palaruan tampok ang sagupaan ng numero uno NLEX Road Warriors at defending champion TNT Tropang 5G. Bubuksan ang aksiyon ng #4 Meralco Bolts kontra #5 Magnolia Chicken Timplados Hotshots.

 
 

by Elyssa NIchole @Sports News | March 26, 2026



Strait of Hormuz - Donald J. Trump - Reuters - FB

Photo: Palihis na palo sa bola ang ginawa ni #7 Shevana Laput ng Dela Salle Lady Spikers sa depensa ni #17 Angeline Poyos ng UST Golden Tigresses sa UAAP Season 88 Women's Volleyball Tournament sa Smart Araneta Coliseum kahapon. (Ben Maniclang)



Mga laro sa Sabado

(UST Quadricentennial Pavilion)

9 AM - AdU vs UE (Men’s)

11 AM - AdU vs UE (Women's)

1 PM - NU vs Ateneo (Men’s)

3 PM - NU vs Ateneo (Women’s) 


Bumangon mula sa pagkakalubog sa walong puntos na kalamangan sa third set ang DLSU Lady Spikers upang dominahin ang UST Golden Tigresses sa bisa ng 25-12, 18-25, 25-23, 25-14 upang manatiling undefeated at lumapit sa pagsiguro sa playoff spot ng UAAP Season 88 Collegiate Women’s Volleyball kahapon sa Araneta Coliseum. 


Naghahabol sa 12-20 ang La Salle sa third set matapos mag-init ang laro ng UST kasunod ng magtuloy ang momentum mula sa second set panalo, ngunit bumira ng matinding 13-3 run ang Lady Spikers na pinagtulungang habulin nina Lilay del Castillo, Shane Reterta, Shevana Laput at Angel Canino upang manatiling hawak ang momentum ng laro at maitakas ang panalo sa third set.


Hindi na napigilan pa ang pag-init ng laro ng La Salle nang kunin ang maagang 7-0 iskor sa 4th set at pahirapan ng hustong makabalik sa dating wisyo ang laro ng Golden Tigresses upang tuluyang makuha ang pambihirang 9-0 rekord, na huling nakuha noong 85th season nung 2023, habang ibinagsak sa 5-4 kartada ang UST sa 4th place.


Maaring masiguro ng Taft-based Lady squad ang outright berth sakaling magwawagi ito kontra UP Lady Fighting Maroons sa Linggo sa UST Quadricentennial Pavilion.


Bumida sa iskoring si Canino sa 17 puntos mula sa 15 atake at 2 blocks kasama ang 7 digs at 5 receives, habang sinundan ito ni Laput sa 14 marka mula sa 11 kills.

Samantala, nagwagi naman ang Adamson Lady Falcons sa 3 straight sets laban sa Ateneo Blue Eagles, 25-17, 27-25, 25-16. 


 
 
RECOMMENDED
bottom of page