top of page
Gerald Anderson, Kim Chiu, Julia Barretto at Bea Alonzo - IG.jpg

Gilas Girls nakabawi vs. NZ sa FIBA Asia Cup  

Writer: BULGAR
BULGAR
2 hours ago
1 min read

ni Anthony Servinio @Sports | October 7, 2026



Generals nagpasuko para sa 1st win vs. SSC Stags 

Photo: Tinalo ng Gilas Pilipinas Girls ang New Zealand, 69–64 sa 2026 FIBA ​​U18 Women’s Asia Cup Division A sa Seremban, Malaysia kahapon. (IScorepix) 



Laro sa Huwebes - Seremban

TBA Pilipinas vs. Japan/Tsina


Nagbunga ang sipag ng Gilas Pilipinas at biniyayaan ng buwenamanong 69-64 panalo laban sa Aotearoa New Zealand sa huling araw ng group stage ng FIBA U18 Women's Asia Cup Malaysia 2026 kahapon sa Karisma Arena, Seremban.  


Ito rin ang unang panalo ng mga Pinay sa kanilang unang taon sa Division A ng torneo.

Naglabas ng nalalabing talas ang Gilas sa huling minuto simula sa matapang na saksak na may kasamang foul ni Riri Perez upang mabawi ang bentahe, 65-64, at 50 segundo sa orasan.  


Kahit minintis ni Perez ang iginawad na free throw, hindi na pinapuntos ang NZ at nagpasok ng tig-2 free throw sina Zaydhen Rosano at Grace Curley upang mapreserba ang makasaysayang resulta.


Matapos malugmok sa 30-39, lamang na ang Gilas ng 50-43 pero pumalag pa rin ang NZ sa huling 10 minuto. Umapoy si Rosano para sa 23 habang 13 si Perez.  Nag-ambag ng tig-9 sina Curley at Tifanny Reyes. Nanguna sa NZ si Keija Miringaorangi na may 17, 10 sa unang 2 quarter. 


Lalabanan na ng Gilas sa Huwebes ang magiging pangalawa mula Grupo B para sa upuan sa semifinals na ang matatalo sa pagitan ng Tsina (2-0) at Japan (2-0) na tinatapos kagabi.  Maliban sa semis, isang siguradong tiket sa FIBA U19 Women's World Cup China 2027 ang nakataya.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page