top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg

Golfer Pagunsan, Swak sa Olympics; AU AT CSB, Gold sa Speed Kicking

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 23, 2021
  • 2 min read

ni VA / MC - @Sports | June 23, 2021



Juvic Pagunsan-golfer


Opisyal nang nakakuha ng slot sa Olympics si Golfer Juvic Pagunsan upang maging pang-13th na Filipino na lalaro sa Tokyo Olympics na nakatakda sa susunod na buwan.


Inaasahan na ring idedeklarang pasok sa Olympics sina Yuka Saso at Bianca Pagdanganan sa susunod na linggo. Nakuha ng 43-year-old na si Pagunsan ang kanyang Olympic tiket matapos malagay sa 50th spot ng 60 quota na lalahok sa men’s competition na nakatakda sa July 29 - Aug. 1 sa Kasumigaseki Country Club sa Japan.


Dahil dito, ang 2021 Japan Golf Tour’s Mizuno Cup champion ang naging unang Filipino golfer na nakapasok sa Olympic dahil ang women’s qualifiers ay iaanunsiyo pa sa susunod na linggo. Inaasahang sina Saso, ang reigning US Women’s Open champion at Pagdanganan, ay makukuha ang Olympic slots sa pag-anunsiyo ng final 60-player composition sa susunod na linggo.


Nakatakda ang women’s event sa August 4-7 sa parehong golf course. Makakasama ni Pagunsan sa Olympics sina pole-vaulter EJ Obiena, gymnast Caloy Yulo, boxers Eumir Marcial, Irish Magno, Nesthy Petecio and Carlo Paalam, weightlifters Hidilyn Diaz and Elreen Ando, rower Cris Nievarez, jin Kurt Barbosa, skateboarder Margie Didal at shooter Jayson Valdez.

Samantala, nagwagi na rin ng gold medal ang Arellano University habang kinopo ng College of Saint Benilde-La Salle Greenhills ang ikalawa nilang gold medal noong Lunes ng hapon sa pagpapatuloy ng NCAA Season 96 juniors virtual speed kicking event.

Si Raphael Ongkiko ang nagwagi ng ikalawang gold para sa Junior Blazers nang makakuha ito ng iskor na 7.067 puntos upang mangibabaw sa middleweight/light heavyweight division.

Inangkin ang silver at bronze medals ng dalawang jins mula Emilio Aguinaldo College (EAC) na sina John Keirth Beramo na nagtala ng 6.667 puntos at Bermel Dionela Jr. na nakatipon ng 6.458 puntos ayon sa pagkakasunod.

Samantala, nanggaling naman sa heavyweight division ang unang gold medal ng Arellano nang manalo si Joshua Lyndon Dionio matapos umiskor ng 6.592 puntos.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page