top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Gilas Women, dinurog ng China

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 29, 2021
  • 2 min read

ni VA / MC - @Sports | September 29, 2021




Kung ihahambing sa pakikipag-away o basag-ulo, mistulang bugbog-sarado ang inabot ng Gilas Women's squad sa kamay ng nakatunggali nilang mga higanteng China nang gapiin sila ng huli sa 91-puntos,143-52 sa pagbubukas ng FIBA Women's Asia Cup sa Prince Hamza Hall sa Amman, Jordan.


Binubuo ng isang powerhouse crew na kinabibilangan ni WNBA player Han Xu, literal na dinurog ng mga Chinese ang mga Filipina dribblers. Nagtala si Han, na lumagda sa New York Liberty para sa WNBA ng 17 puntos, 6 rebounds, 3 assists at 1 block habang pito pa niyang kakampi ang tumapos na may double figures.


Naging mabigat para sa Pinay ang nagawa nilang fouls, 24 turnovers na nai-convert ng China sa 34 points.

Nanguna sa Gilas si Afril Bernardino na may 17 puntos, 7 rebounds, 2 steals at 2 blocks.Nag-iisa sIyang nakapagtala ng double digit para sa Nationals.

Tanging sa bungad lamang ng laro nakuhang sumabay ng Gilas Women kung saan 5 puntos lamang ang agwat ng China ,10-15, may 5 minuto pang natitira sa first quarter kasunod ng 3-pointers mula kina Ana Castillo at Ria Joy Nabalan.

Ngunit mula roon, lumayo ang China sa iskor na 35-17 papasok ng second period. Lumobo pa ang naturang bentahe sa 108-38 patungo sa fourth canto.


Nanguna sa nasabing panalo si Yang Liwei na may 21 puntos, 5 assists, at 5 steals. Sunod na makakalaban ng Gilas Women sa Group B ang Australia ngayong Miyerkules ng alas- 12:00 ng hatinggabi, oras dito sa Pilipinas. ISKOR: CHINA 143 — Yang L 21, Li YR 18, Han 17, Li Y 13, Zhang 13, Li YF 13, Yang H 11, Wang 10, Huang 9, Pan 9, Wu 7.

PHILIPPINES 52 — Bernardino 17, Pontejos 7, Prado 6, Fajardo 6, Nabalan 5, Castro 5, Castillo 3, Clarin 3, Cabinbin 0, Tongco 0, Pingol 0, Cayabyab 0. Quarters: 35-17, 69-29, 108-38, 143-52

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page