Divisoria at Baclaran, magiging ghost town kung walang China trade
- BULGAR
- 7 minutes ago
- 2 min read
ni Ka Ambo @Bistado | February 11, 2026

Nag-aaway ang mga senador dahil sa China.
Natatawa ang mga maka-America.
-----$$$--
WALANG nagtatangka na iayos ang konteksto ng mga argumento.
Sa totoo lang, tulad din naman na hindi maaaring kumawala ang Pilipinas sa pundiya ng Kano.
Hindi rin mabubuhay ang mga Pinoy nang wala ang kunsarsilyo ng Tsekwa.
----$$$--
ALAM kaya ng mga nagdedebate na ang kasaysayan ng Pilipinas ay mas nakadikit sa China kaysa na kakambal sa America?
Ang mga bayaning Pinoy tulad ni Dr. Jose Rizal ay may dugong Tsino.
-----$$$--
ANG mga dambuhalang negosyante at maging ang ilang senador ay aktuwal na may dugong China.
Pero, ilan sa mga senador ang may dugong Kano?
-----$$$--
ANG isyu ng China at US ay tulad sa argumento kung alin ang nauna: Itlog o manok?
Kapag binura mula sa Pilipinas ang lahat ng may kaugnay sa China, mawawalan tayo ng pambansang bayani at mababawasan din ang bilang ng mga kasalukuyang senador.
----$$$--
Kapag nagtampo tayo at inalis sa merkado ang gawang China, magiging ghost town ang Divisoria, Baclaran, Binondo, Ongpin at halos lahat ng mall at palengke.
Hindi mabubuhay ang mga Pinoy nang wala ang China.
----$$$--
SA kabilang dako, babagsak ang gobyerno ng Pilipinas kapag pinalayas ang mga Kano.
Mababawasan din ang bilang ng mga opisyal ng gobyerno na may dugong Kano.
-----$$$--
ANO ang solusyon?
Nasagot na iyan ng matandang Marcos.
----$$$--
SA panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr, isinulong nito ang aktibong ugnayan sa lahat ng bansa—demokratiko, komunismo o sosyalista.
Ang tawag d’yan ni Apo Makoy ay internasyonalismo!
----$$$--
NAKIPAGKAIBIGAN si Apo Makoy kay US President Ronald Reagan; kay Mao Tse-tung ng China; kay Leonid Bresnev ng Russia at maging kay Muammar Khadafy ng Libya.
Walang nag-akusa kay Marcos Sr na isang traydor—bagkus siya ay kinilala bilang ganap na “makabayan”.
-----$$$--
SA panahon ni Marcos Sr, ang 100-year na pagkontrol ng US sa mga military base ay pinaikli niya sa 25-year kontrata na nagbunsod ng pagputol dito sa panahon ni Pangulong Erap.
Nagalit ang Kano kina Marcos Sr at Erap—pareho silang naging biktima ng Edsa revolt—na pinaniniwalaang may foreign component.
-----$$$--
MAY mga traydor na nakikipag-ulayaw sa mga dayuhan kapalit ng poder sa Malacañang.
Pero, hindi malinaw kung sa Kano o Tsekwa sila nagpapatutot.
----$$$--
SA ngayon, walang lider na masasabing ganap na makabayan gaya sa kalidad nina Claro M. Recto, Arturo Tolentino, Jovito Salonga at Blas F. Ople.
Ang mga lider natin ay karaniwang sangkot sa maniobra sa annual budget.
-----$$$--
NAG-AAWAY-AWAY sila hindi para sa Inang Bayan, bagkus ay dahil sa partihan at inggitan sa kulimbat.
Walang linaw o sinag ng araw na masisilayan upang makaahon tayo sa pangil ng mga buwayang nagkukunwaring tapat pero naglalaway sa kaban ng bayan.
Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.




