top of page
Donny Pangilinan - IG.jpg

Hindi na sina Gerald, Daniel, Richard at James… DONNY, BAGONG HEARTTHROB NA PANTASYA NG KABABAIHAN

Writer: BULGAR
BULGAR
3 hours ago
1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | October 22, 2026



Donny Pangilinan - IG

Photo: Donny Pangilinan - IG



Hindi na sina Gerald Anderson, Daniel Padilla, Richard Gutierrez at James Reid ang pinagpapantasyahan ngayon ng mga kababaihan. 


Ang hottest heartthrob ngayon at pinagkakaguluhan kahit saan magpunta ay si Donny Pangilinan. Iba raw ang appeal ng anak nina Maricel Laxa at Anthony Pangilinan.


Bukod sa kanyang good boy image, ramdam ng lahat ang pagiging mabait, marespeto, humble at pagka-down-to-earth ni Donny. Wala siyang kaere-ere at matulungin sa kapwa, pati na sa mga kasamahan niya sa showbiz.


Mature rin ang mindset ni Donny dahil masinop siya sa paghawak ng kanyang kinikita. Maaga siyang natutong mag-invest sa negosyo bukod sa mga real estate. 


Balak niyang mag-franchise ng sikat na grab-and-go coffee at meron siya ngayong Analog MNL Coffee Bar.


Well, ang kanyang kinikita sa showbiz ay maingat niyang hinahati-hati para sa kanyang savings, investments, personal needs at meron din para sa charity. 


Maganda ang naging pagpapalaki kay Donny ng parents niya, kaya karapat-dapat siyang maging idolo ng mga kabataan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page