NAAP, pambansang institusyon sa aviation

ni PAO Chief Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | October 22, 2026

Dear Chief Acosta,
Meron po bang paaralan sa ating bansa na itinalaga bilang pambansang institusyong propesyonal para sa aviation? Salamat po sa inyong kasagutan. – Joshie Gaan
Dear Joshie Gaan,
Ang sagot sa iyong katanungan ay matatagpuan sa mga Seksyon 2 at 3 ng Republic Act (R.A.) No. 12255, na kilala rin sa tawag na “National Aviation Academy of the Philippines Act,” kung saan nakasaad na:
“Section 2. Declaration of Policy. - The State shall promote quality and accessible education relevant to the changing needs of the people and society. It shall establish, maintain, and support a complete, adequate, and integrated aviation education and training system by strengthening the curricula of various aviation and other related courses consistent with international standards on aviation learning.
To this end, the National Aviation Academy of the Philippines, the leading higher education institution for aviation studies, is hereby declared the national professional institution for aviation.”
Ayon sa nasabing probisyon na batas, ang National Aviation Academy of the Philippines (NAAP), ang nangungunang institusyon ng mas mataas na edukasyon para sa pag-aaral sa aviation, ay idineklara bilang pambansang propesyonal na institusyon para sa aviation. Ito ay base na rin sa polisiya ng ating gobyerno na itaguyod ang de-kalidad at madaling ma-access na edukasyon na may kaugnayan sa nagbabagong pangangailangan ng mga tao at lipunan. Ito ay magtatatag, magpapanatili, at susuporta sa isang kumpleto, sapat, at pinagsamang sistema ng edukasyon at pagsasanay sa pamamagitan ng pagpapalakas ng kurikulum ng iba't ibang mga kurso sa aviation at iba pang kaugnay na kurso na naaayon sa mga internasyonal na pamantayan sa nasabing pag-aaral.
Karagdagan dito, nakasaad sa Seksyon 3 ng R.A. No. 12255 na ang kasaluluyang Philippine State College of Aeronautics (PhilSCA), ay kikilalanin na rin bilang National Aviation Academy of the Philippines (NAAP) na magpakadalubhasa sa aviation at mga programang may kaugnayan sa nasabing pag-aaral:
“Section 3. National Aviation Academy of the Philippines. - The existing Philippine State College of Aeronautics (PhilSCA) is hereby renamed the National Aviation Academy of the Philippines (NAAP). As such, the NAAP shall specialize in aviation and aviation-related programs.”
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyong iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.
Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.





Comments