top of page

Diplomasya sa WPS, ‘wag haluan ng personal at pulitikal na opinyon

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 4 hours ago
  • 2 min read

ni Ka Ambo @Bistado | January 28, 2026



Bistado ni Ka Ambo


Tuloy na ang pagsasakdal kay Digong sa ICC sa Pebrero.

Pero, umaapela pa ang kanyang mga abogado.


-----$$$--


Kinukuwestiyon ng mga abogado ni Digong ang rekomendasyon ng mga medical experts kaugnay sa resulta ng medical exam sa dating pangulo.

Wala pang tugon ang mga huwes ng appeal chamber.


----$$$--


Hiwalay ang isyu ng kalusugan sa isyu ng hurisdiksyon sa kaso ni Duterte.

Ibig sabihin, ibinubuhos lahat ng mga abogado ni Digong ang lahat ng diskarte upang makauwi ang kanilang kliyente sa Pilipinas.


-----$$$--


PINAGDUDUDAHAN naman ng ilang kritiko ang tunay na kondisyon sa kalusugan ni Pangulong Marcos.

Taliwas kasi dati, aktuwal na nabawasan na ang aktibidad ng kapatid ni Sen. Imee.


----$$$--


AYON kay Sen. Imee, walang nag-alaga sa kanyang “Ading”.

Isang malaking isyu ito na paborito ng mga tsismoso’t tsismosa.


-----$$$---


IN-AMBUSH ang isang mayor sa Maguindanao at nahuli ng camera ang eksena.

Bazooka ang ginamit sa pananambang.

Pero, ligtas ang mayor—dahil naka-armor ang Land Cruiser.


-----$$$--


NAGKAKASAGUTAN ang ilang senador at diplomat ng China.

Sa tingin natin, ang diplomat ay “wala sa hulog” — tulad din ng mga senador.


-----$$$--


KAKAUNTI kasi ang nakakaunawa kung ano ang esensiya o sustansiya na nasa likod ng “public administration”.

Dapat ay maunawaang mabuti ang pilosopiya—kung ano ang “gobyerno”, ano ang “soberanya” at ano ang “opisyal” ng pamahalaan.


------$$$--


Marami ang hindi nakakaunawa sa tunay na “relasyon ng mga bansa” sa kapwa bansa.

Pinaka-espesipiko ay kung ano ang tunay na sitwasyon sa relasyong “Pilipinas-China”?


-----$$$--


MAGING ang mga tagapagsalita ng AFP at DND ay hindi nauunawaan ang kanilang inihahayag sa publiko.

Ganyan din ang mga senador—at lalong hindi nakakaunawa ang mga “Chinese diplomat”.


----$$$--


DAHIL kapos ng pang-unawa ang mga Chinese diplomat at maging ang mga opisyal ng gobyerno sa Pilipinas, naililihis ng mga ito ang tunay na konteksto ng isyu.

Dapat nating maunawaan na “foreign relations” ito—at hindi ito away-palengke.


----$$$--


KAPAG sumali sa isyu si Atty. Claire, lalong maghahalo ang balat sa tinalupan!

Hindi birong isyung ito.

Dapat maglabas ng opisyal na pahayag ang matataas na diplomat ng Pilipinas at China at hindi ang kanilang mga "political officer".


-----$$$--


Dapat umiwas na magbigay ng pahayag ang mga political officer, active politician at maging ang military officers sa isyu sa West Philippine Sea.

Dapat ipaubaya ito sa mga “career diplomat.”

Inuulit natin, career diplomat dapat ang naglalabas ng mga opisyal na pahayag!


-----$$$--


Career diplomat lamang ang dapat paniwalaan ng publiko.

Hindi dapat pinapatulan ang mga “propagandista” ng dalawang bansa!



Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page