Dagdag-ayuda sa mga batang Ukrainian na na-deport sa Russia

ni Justine Berganio @Overseas News | September 30, 2026

Photo: 10 million crowns (P29M) ang ilalaan sa International Committee of the Red Cross para sa Central Tracing Agency Bureau na tumutulong sa paghahanap at pagkakakilanlan. File
Dinagdagan ng Norway ang tulong para sa mga Ukrainian children na na-deport umano sa Russia, mga detained civilian at prisoners of war sa gitna ng giyera.
Magbibigay ang Norway ng 15 million crowns (P43M) sa UNICEF para sa pagbabalik at reintegration ng mga batang nakauwi na sa Ukraine, pati sa paghahanap sa mga nawawalang bata.
Isa pang 10 million crowns (P29M) ang ilalaan sa International Committee of the Red Cross para sa Central Tracing Agency Bureau na tumutulong sa paghahanap at pagkakakilanlan ng mga nawawalang tao.
Ayon kay Foreign Minister Espen Barth Eide, layunin ng suporta na matulungan ang mga pamilya na muling makapiling ang kanilang mga mahal sa buhay at matulungan ang mga biktima sa rehabilitasyon.
Ang ayuda ay inihayag bago ang ministerial conference sa Toronto, Canada, na pangungunahan ng Canada, Norway at Ukraine para talakayin ang usapin ng Ukrainian children at human rights violations.
ONLINE DONATIONS SA OPPOSITION, 21 KULONG
TIMBOG ang 21 katao sa Myanmar matapos umano silang magpadala ng pera sa online fundraising platform na konektado sa opposition National Unity Government (NUG).
Ayon sa state-run Global New Light of Myanmar, natukoy ng awtoridad ang detalye ng mahigit 2,700 katao na umano’y nagbigay ng financial support sa People’s Revolution Supply Family (PRF), isang platform na itinatag ng NUG.
Sinabi ng militar-backed government na ang mga naaresto ay mula sa iba’t ibang township at haharap sa legal na aksyon. Patuloy din ang imbestigasyon habang isasara at kukumpiskahin umano ang mga account na konektado sa pondo.
Hindi pa naglalabas ng pahayag ang NUG. Mula sa military coup noong 2021, patuloy ang labanan sa Myanmar sa pagitan ng junta forces, NUG-aligned groups at ethnic armed organizations.
Matagal nang gumagamit ang mga opposition group ng online fundraising, cryptocurrency, bonds at overseas transfers para makalikom ng pondo dahil kontrolado ng militar ang banking system ng bansa.





Comments