top of page
Search

by Jenny Rose Albason @World News | February 20, 2026



Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy - SS

Photo: Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy - SS



Walang magandang resulta ang pinakahuling pagpupulong ng mga kinatawan ng Russia at Ukraine na ginanap sa Switzerland, na inorganisa ng Estados Unidos. Ito na ang ikatlong negosasyon ngayong taon, matapos ang unang pulong na ginanap noong Enero sa Abu Dhabi.


Ayon kay Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy, hindi naging madali ang mga negosasyon. Inihayag niya ang pahayag matapos makausap ang kanyang negotiating team na dumalo sa pulong. Una niyang inakusahan ang Russia na hindi sumasang-ayon sa ilang napag-usapan sa negosasyon.


Bagama’t nagkaroon ng ilang diskusyon, kabilang ang posibilidad na ipasakamay ng Russia ang mga sinakop nitong teritoryo sa Ukraine, walang konkretong kasunduan ang naabot. Naniniwala si Zelenskyy na sa mga susunod na araw ay magkakaroon muli ng mga pag-uusap sa pagitan ng dalawang panig.


 
 

by Jenny Rose Albason @World News | February 11, 2026



Kharkiv Region - Ukraine's DSNS Emergencies Service

Photo: Kharkiv Region - Ukraine's DSNS Emergencies Service



Patay ang apat na sibilyan sa pinakabagong malawakang aerial assault ng Russia sa Ukraine, kabilang ang isang babae at ang kanyang 10‑anyos na anak sa bayan ng Bohodukhiv sa Kharkiv region. Bukod dito, nasugatan ang siyam na iba pang mga tao at dinala sa ospital para gamutin ang mga ito.


Ayon sa ulat ng Ukrainian air force, naglunsad ang Russia ng hindi bababa sa 11 ballistic missiles at 149 drones sa isang magdamag na serye ng pag‑atake sa iba’t ibang rehiyon ng bansa. Sa mga naturang drone at missile, maraming bahagi ng residential areas, gas pipelines, at power grid ang nasira, na nagdulot ng malawakang pagkasira ng imprastruktura at pagkakababad sa madaming residente.


Ang air defenses ng Ukraine ay nakapag‑intercept o nakapigil ng malaking bahagi ng mga drone, ngunit hindi iyon sapat upang maiwasan lahat ng pagbasag sa mga sistema ng enerhiya at mga tirahan.


 
 

ni Angela Fernando @World News | Dec. 15, 2024



Photo: Syria Military RU


Nagbabawas na ang Russia ng kanilang mga militar mula sa front lines sa Syria at mga post sa Alawite Mountains, ngunit hindi pa tuluyang aatras at mananatili ang presensya nito sa dalawang pangunahing base militar ng bansa kahit matapos ang pagbagsak ni Pres. Bashar al-Assad.


Ang pagbagsak ni Assad ay nagdulot ng pagdududa sa kinabukasan ng mga base ng Russia sa Syria. Partikular na pinag-uusapan ang Hmeimim airbase sa Latakia at Tartous naval facility.


Batay sa satellite images kamakailan, nakita ang hindi bababa sa dalawang Antonov AN-124 cargo planes—ilan sa pinakamalalaking eroplano sa buong mundo—na nakaistasyon sa Hmeimim airbase, at may bukas na nose cones na tila naghahanda para magkarga ng kagamitan.


Ayon sa isang opisyal ng Syria na nasa labas ng pasilidad, isa sa mga cargo planes ang lumipad patungong Libya nu'ng Sabado.


Samantala, kinumpirma naman ng mga opisyal ng militar at seguridad sa nasabing bansa na may direktang komunikasyon sa mga puwersa ng Russia na binabawasan na ng Moscow ang kanilang presensya sa mga front lines, kasama ang pag-withdraw ng mabibigat na kagamitan at ilang senior Syrian officers.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page