top of page
Search

by Info @World News | July 13, 2025


File Photo: Spokesperson Lin Jian - PH-China Embassy



Ito ang naging pahayag ng tagapagsalita ng Ministry of Foreign Affairs ng China kasunod ng mga statement ng Pilipinas sa ika-siyam na anibersaryo ng 2016 Arbitral Award on the South China Sea.


Hindi pa rin tinatanggap o kinikilala ng China ang landmark ruling ng arbitral tribunal. Giit ni Lin Jian, tagapagsalita ng MFA ng China, ang desisyon ay lumabag sa mga pangunahing prinsipyo ng international law, kabilang ang United Nations Convention on the Laws of the Sea (UNCLOS), at sumalungat umano sa mga katotohanang may ugnayan.


“China is committed to the peaceful settlement of disputes with other countries concerned through negotiation and consultation, joint efforts with ASEAN countries to fully and effectively implement the DOC, adoption of a Code of Conduct as early as possible, and robust institutional safeguards for peace and stability in the South China Sea,” dagdag nito.


Hinimok naman nito ang mga bansa na ihinto ang pagbanggit sa umano’y ilegal na "award" na ito, na hindi gaanong gumagawa ng paglabag at provocation.



 
 

ni Angel Fernando @News | Jan. 16, 2025


Photo File: AFP / Circulated


Pinaigting pa ng Israel ang mga pag-atake sa Gaza ilang oras matapos ianunsyo ang kasunduan ng tigil-putukan at pagpapalaya ng mga bihag, ayon sa mga residente at opisyal sa Palestinian enclave.


Ang komplikadong kasunduang ito sa pagitan ng Israel at ng militanteng grupong Hamas, na may kontrol sa Gaza, ay inilabas nu'ng Miyerkules matapos ang ilang buwang pag-uusap ng Qatar, Egypt, at United States (US).


Layon ng nasabing kasunduan na tapusin ang 15-buwang matinding karahasan na sumira sa coastal territory at nagpalala ng tensyon sa Middle East.

 
 

ni Angela Fernando @World News | Dec. 15, 2024



Photo: Syria Military RU


Nagbabawas na ang Russia ng kanilang mga militar mula sa front lines sa Syria at mga post sa Alawite Mountains, ngunit hindi pa tuluyang aatras at mananatili ang presensya nito sa dalawang pangunahing base militar ng bansa kahit matapos ang pagbagsak ni Pres. Bashar al-Assad.


Ang pagbagsak ni Assad ay nagdulot ng pagdududa sa kinabukasan ng mga base ng Russia sa Syria. Partikular na pinag-uusapan ang Hmeimim airbase sa Latakia at Tartous naval facility.


Batay sa satellite images kamakailan, nakita ang hindi bababa sa dalawang Antonov AN-124 cargo planes—ilan sa pinakamalalaking eroplano sa buong mundo—na nakaistasyon sa Hmeimim airbase, at may bukas na nose cones na tila naghahanda para magkarga ng kagamitan.


Ayon sa isang opisyal ng Syria na nasa labas ng pasilidad, isa sa mga cargo planes ang lumipad patungong Libya nu'ng Sabado.


Samantala, kinumpirma naman ng mga opisyal ng militar at seguridad sa nasabing bansa na may direktang komunikasyon sa mga puwersa ng Russia na binabawasan na ng Moscow ang kanilang presensya sa mga front lines, kasama ang pag-withdraw ng mabibigat na kagamitan at ilang senior Syrian officers.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page