top of page
Search

ni Madel Moratillo @News | May 13, 2025



Photo File: Comelec Chairman George Garcia - Commission on Elections


Mahigit 300 automated counting machines ang nagkaaberya sa ginawang halalan, Mayo 12. 


Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, pinakamarami rito ay dahil sa scanner. 

Sinisi ni Garcia ang sobrang init ng panahon na posibleng nakaapekto kaya natagalan bago natuyo ang mga tinta sa balota. 


Pero giit ng Comelec, mas mababa pa rin ito kaysa sa 2,500 vote counting machines na pinalitan noong 2022 elections.


 
 

ni Mylene Alfonso @News | May 13, 2025



File Photo: Raul Lambino - FB


Nakaranas ng aberya ang senatorial aspirant sa ilalim ng PDP-Laban na si Raul Lambino matapos bumoto sa kanyang presinto kahapon ng umaga. 


Sa isang Facebook post ni Lambino, sinabi niyang bagama’t tinanggap naman umano ng machine ang kanyang balota, wala aniyang verification at scanning na lumitaw sa screen. 


Blangko rin ang natanggap niyang resibong lumabas.


"Bumoto po ako kaninang 7:00 am. Tinanggap naman ng Machine yong balota pero walang scanning at verification na nag-appear sa screen, at ang lumabas na balota ay blanko," pahayag ni Lambino.


Nang ulitin sa ikatlong pagkakataon ay parehong resulta pa rin na nagpapakita ng mga pangalan ng mga kandidato na hindi niya binoto at maging ang pangalan niya ay wala. 


"Inulit ng BEI Chairman ang pagprint ng resibo at may lumabas na mga ibang pangalan na hindi ko binoto pati sarili ko, asawa ko atbp. Inulit muli ang pagprint ng resibo, ganoon pa rin!" saad pa niya. 


“Iba ang lumabas na mga pangalan sa resibo! Ibang mga pangalan ng kandidato na hindi ko binoto ang lumabas, at WALA iyong pangalan ko, asawa ko atbp kandidato na aking binoto!”


Sa kabila nito, positibo pa rin ang kandidato at nanawagan sa mga botante na bumoto pa rin at umasang mga tamang kandidato ang manalo ngayong 2025 midterm elections.

Dagdag pa niya, "Hindi man perpekto at depektibo ang mga makina at teknolohiya na ginagamit, dapat pa rin tayong bumoto at umasa na tamang mga kandidato ang manalo sa Halalan."


 
 

ni Madel Moratillo @News | May 7, 2025



Photo File: Netflix


Pumalag ang ilang netizen sa taas-singil ng Netflix simula Hunyo 1.

Sabi ng ilang netizen, dagdag-pasakit lang ito sa mga subscriber ng Netflix.


May iba pa umanong opsyon kung tutuusin sa halip na dagdag-buwis.

“Stop placing the burden of VAT on ordinary people. If you truly want solutions, start by exposing and eliminating the corruption within your own ranks.”


“Seeing this, I immediately canceled my subscription then Netflix would be seeing their user use dropping like flies”


“Para sa iba barya lang ‘yan. But realistically speaking, there are sooooooo many other options.”


Una rito, sa anunsyo ng Netflix simula Hunyo 1, dahil sa ipinataw na value-added tax (VAT) sa digital services sa Pilipinas ay magkakaroon ng adjustments sa kanilang singil.


Dahil d’yan, ang monthly rate ng Netflix ay magiging P169 na para sa mobile plan mula sa dating P149.


Ang basic plan naman ay papalo na sa P279 mula sa P249.


Magiging P449 naman ang singil per month para sa standard plan mula sa P399.

P619 naman ang babayaran para sa premium plan mula sa dating P549.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page