top of page
WINNER - MICHELLE, ATRAS NA SA PAG-JOIN SA MISS GRAND INTERNATIONAL ALL STARS 2026_IG _mic

Mga tao lang na ‘di perfect… PBB HOUSEMATES, NAPAPAHAMAK DAW SA LIVESTREAM KAYA IPINATIGIL

Writer: BULGAR
BULGAR
18 minutes ago
3 min read

ni Nitz Miralles @Bulgary | November 23, 2026



BIDA - BARBIE, MAY ENCHONG NA_IG _unanghirit

Photo: PBB / YT



Sina Bianca Gonzalez at Gabbi Garcia ang mga nag-announce last Saturday night na ititigil na ang live streaming ng PBB Collab 3.0 at isa sa mga sinabing rason ang bashing na nakukuha ng mga housemates.


Kasunod nito, naglabas ng statement ang  ABS-CBN at GMA sa desisyon nila to cut the livestreaming. Hindi raw nasunod ang gusto sana nila na mas makilala ang mga housemates via livestreaming at marinig ang stories nila.


“Unfortunately, irresponsible netizens have misused or taken advantage of the livestream to maliciously create false stories that are libelous. These twisted narratives that malign some of the Housemates and instigate hate against them spread a toxic environment online.


“It is wrong to maliciously edit videos from the livestream that take the words and actions of our Housemates out of context. These videos are irresponsibly shared on social media even before Big Brother can process and guide our  Housemates.


“For the safety and well-being of our Housemates and their families, ABS-CBN and GMA have decided to stop all livestreams of Pinoy Big Brother Collab 3.0 effective tonight (21 Nov. 2026).


“ABS-CBN and GMA condemn cyberbullying, coordinated online harassment, threats, and abuse in social media.


“We encourage everyone to show kindness and respect for our Housemates and for one another. Together let us enjoy Pinoy Big Brother Collab 3.0 and create a positive and healthy social media environment,” bahagi ng statement.


May pahayag dito si Bianca, “Para sa kaligtasan at kapakanan ng mga housemates at ng kanilang pamilya, nagdesisyon ang ABS-CBN at GMA na itigil ang lahat ng livestream ng Pinoy Big Brother Collab 3.0 simula ngayong November 21, 2026.”


Ayon naman kay Gabbi, “Hindi tama ang pagbabaluktot sa mga kuwento, pagbibigay ng masamang kahulugan sa mga sinasabi ng mga housemates, at paghuhusga sa kanila sa social media. Ang pag-edit at pag-share ng mga video mula sa livestream kahit hindi pa nagkakaroon ng pagkakataon si Big Brother na kausapin at gabayan ang ating housemates ay hindi nagpapakita ng kabuuan ng kuwento.”


Nagpaalala naman ang former housemate na si Fifth Solomon na ordinaryong mga tao rin ang PBB housemates.


“Isipin n’yo na lang na ang mga PBB housemates ay katulad din natin. Sa totoo lang, lahat tayo ay housemates sa sarili nating mga tahanan. At kapag magkakasama sa iisang bahay, hindi maiwasan ang hindi pagkakaunawaan.


“Dahil tulad natin, ang mga housemates ay mga ordinaryong taong may kani-kanyang ugali, pinagdaraanan, kahinaan at pagkakamali. Nagpapakatotoo sila, pero hindi ibig sabihin noon ay perpekto sila. At hindi naman tayo perpekto,” bahagi ng pahayag ni Fifth.





Aktor, napaiyak… SEGMENT SA EB!, IPINANGALAN KAY ECHO



SA Eat… Bulaga! isinelebreyt ni Jericho Rosales ang 30th anniversary niya sa showbiz dahil sa noontime show na ito siya na-discover.


Sumali siya sa Mr. Pogi segment ng show, nanalo at sumikat na magaling na aktor.

Sa pagbisita ni Jericho sa EB!, ini-announce na ibabalik ng show ang search for Mr. Pogi, and this time, ang complete title na ay Mr. Pogi: The Jericho Rosales of the New Gen.


Open na ang audition and any day now, makikilala na ang talent na naghahangad sundan ang yapak ni Jericho.


November 16, 1996 nang manalo si Jericho bilang Mr. Pogi, at malaki ang pasasalamat nito sa EB! at sa title. 


“Kung wala ang EB! at ang Mr. Pogi, wala ako ngayon,” wika nito na naiyak pa.

Inalala ni Jericho ang stint niya sa EB! after winning. Sila ni the late Francis Magalona ang host ng isang segment. At bilang pag-alala kay Francis M, kinanta ng aktor ang original composition ng una na Kaleidoscope World.


“After EB!, uwi na ako sa Marikina, sakay uli ako ng FX,” pagbabalik-tanaw ni Jericho.

Ipinaalala naman ni Joey de Leon na nang sumali si Jericho sa Mr. Pogi, para siyang butiki sa kapayatan na biro ng aktor, dala ng malnutrition. Ngayon daw, dambuhala na siya.


Anyway, any day soon, magsisimula na ang Mr. Pogi: The Jericho Rosales of the New Gen search. Isa pa ito sa mga nagpaiyak sa aktor, ipinangalan kasi sa kanya ang segment na kanyang sinalihan dati.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page