top of page
Pinoy Big Brother Collab 3.0 - YT.jpg

30-anyos guilty sa wildfire na 12 patay

Writer: BULGAR
BULGAR
10 minutes ago
2 min read

ni Justine Berganio @News | November 23, 2026



Si Jonathan Rinderknecht Credit Sky News via Bill Essayli - Ang Pacific Coast Highway na nasunog sa wildfire sa Malibu, California noong Jan. 15, 2025. Jeff Gritchen, Orange County Register-SCNG

Photo: Si Jonathan Rinderknecht at ang Pacific Coast Highway na nasunog sa wildfire sa Malibu, California noong Jan. 15, 2025. Images:  Credit Sky News via Bill Essayli (kaliwa) / Jeff Gritchen, Orange County Register-SCNG (kanan)



Hatol na guilty ang 30-anyos na si Jonathan Rinderknecht sa pagsisimula ng mapaminsalang wildfire sa Pacific Palisades at bahagi ng Malibu sa California, United States noong Enero 2025, na ikinasawi ng 12 katao at sumira sa mahigit 6,800 gusali.


Napatunayang sinadyang nagsindi ng apoy si Rinderknecht noong Enero 1, 2025, na hindi agad natukoy dahil patuloy itong nagliyab sa ilalim ng mga ugat ng halaman bago muling sumiklab makalipas ang anim na araw at kumalat bilang malawakang sunog.


Dalawang federal charges ang kinaharap niya kaugnay ng pagsisimula ng unang sunog at pinsalang idinulot ng muling pagliyab nito. Nahaharap siya sa lima hanggang 20 taong pagkakakulong sa bawat kaso. Nakatakda ang kanyang sentencing sa Marso 17.


Ikinatwiran ng prosecutors na galit at paghihiganti ang nagtulak kay Rinderknecht na magsimula ng apoy dahil wala umano siyang mapuntahan noong holiday.


Ginamit nilang ebidensiya ang geolocation data ng kanyang iPhone, CCTV footage at testimonya ng mga pasaherong nakasakay niya bilang ride-share driver. Itinanggi naman niya ang mga paratang at sinabi ng kanyang abogado na kulang ang pisikal na ebidensiya.


Nauna nang nabigo ang unang paglilitis matapos hindi magkasundo ang mga hurado, dahilan upang ideklarang mistrial. Samantala, sinabi ni Los Angeles Mayor Karen Bass na hindi na maibabalik ng hatol ang mga nasawi at marami pa ring pamilyang nahihirapang makabangon.


Bukod sa sunog sa Pacific Palisades at Malibu, umabot sa 31 katao ang nasawi at 16,000 istruktura ang nawasak sa magkakasunod na wildfire sa Los Angeles region noong Enero 2025.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page