Database ng FBI, posibleng na-hack

ni Mervin Reyes @News | November 22, 2026

Photo: File / Cyber Task Force / FBI Official
Iniimbestigahan ng Federal Bureau of Investigation (FBI) ang hinihinalang pag-hack sa isang pambansang database na ginagamit ng mga awtoridad sa United States para sa impormasyon sa mga kasong kriminal.
Ayon sa ulat, posibleng na-compromise ang National Crime Information Center (NCIC), na naglalaman ng mga arrest warrant, criminal record at background check.
Kung makukumpirma, ito na ang ikalawang cyber intrusion sa sistema ng FBI nitong mga nakaraang buwan.
Noong Setyembre, naiulat ding nakapasok ang hacking group na ShinyHunters sa isang FBI recruitment website at nakakuha ng datos ng mga empleyado.
Wala pang opisyal na pahayag ang FBI hinggil sa pinakahuling insidente.





Comments