top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Celtics vs. Nets sa East gitgitan sa Playoffs

BULGAR
May 20, 2021
2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | May 20, 2021




Kinailangan ng Boston Celtics ang mainit na Jayson Tatum sa third quarter upang talunin ang bisitang Washington Wizards, 118-100, sa NBA State Farm Play-In Tournament kahapon mula sa TD Garden. Dahil, dito pasok na ang Celtics bilang #7 sa NBA Playoffs sa susunod na linggo at haharapin ang #2 Brooklyn Nets sa seryeng best of seven.

Sa unang laro, walang awang pinisa ng Indiana Pacers ang bisitang Charlotte Hornets, 144-117, upang manatiling buhay ang kampanya. Darayo ang Pacers sa Wizards bukas para sa ika-walo at huling puwesto sa playoffs kontra sa #1 Philadelphia 76ers.


Lamang ang Wizards matapos ang first half, 54-52, subalit ibang Celtics ang bumalik sa korte at nagsanib lakas sina Tatum at Kemba Walker upang itulak ang Boston sa 74-58 na lamang. Sinubukang bumalik ng Washington ngunit walang makapigil sa martsa ng Boston na lalong pinalaki sa 22 ang lamang sa 4th quarter, 116-94, sa buslo ni Walker palapit sa huling dalawang minuto.


Halimaw si Tatum sa 50 puntos, 23 sa third quarter, upang takpan ang pagkawala ni Jaylen Brown na inoperahan ng litid sa pulso at sa susunod na NBA na babalik. Sumunod si Walker na may 29 habang double-double si sentro Tristan Thompson na 12 puntos at 12 rebound.


Kahit biglang hindi pinalaro si point guard Caris LeVert dahil sa heath protocol, inangat ni Doug McDermott ang laro at nagbuhos ng 16 puntos sa first quarter pa lang at lumamang ang Indiana, 40-24. Isang beses lang natabla ng Hornets ang iskor, 3-3, at umabot hanggang 39 puntos ang lamang ng Pacers sa 4th quarter, 139-100.


Samantala, ngayong araw nakatakda ang simula ng Play-In sa Western Conference tampok ang pagbisita ng #8 Golden State Warriors (39-33) sa defending champion at #7 Los Angeles Lakers (42-30). Tiyak na aabangan ang tapatan ng dalawang superstar LeBron James ng Lakers at Stephen Curry ng Warriors simula 10:00 ng umaga sa Staples Center.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page