Caracut bagyo ng E-Painters swak sa semis, giba ang SMB
- BULGAR

- 3 hours ago
- 1 min read
ni Anthony E. Servinio @Sports | May 16, 2026

Photo: Credit Official PBA
Laro ngayong Sabado - Ynares Antipolo
5:15 PM Meralco vs. Magnolia
7:30 PM NLEX vs. TNT
Umapoy mula sa malayo ang Rain Or Shine Elasto Painters sa huling mga minuto upang masugpo ang San Miguel Beermen, 113-104, sa 2026 PBA Commissioner's Cup quarterfinals kagabi sa Ynares Center Antipolo. Ang ROS ang unang koponan na pasok sa semifinals.
Pumukol ng dalawang three-points at isang four-points si Andrei Caracut upang itayo ang 105-97 lamang sa huling tatlong minuto. Hindi pa tapos si Caracut at sinamahan siya nina Caelan Tiongson at Jaylen Johnson para lalong idiin ang kalaban, 113-100, na pinakamalaking agwat sa buong laro at isang minuto ang nalalabi.
Hinirang na Best Player si Caracut na may 29 puntos mula sa anim na tres. Parehong 23 sina Tiongson at Johnson. Ayon kay Coach Yeng Guiao, araw talaga nila at ito ang pinakamagandang pagkakataon na pumasok sa semifinals. Kapag pinaabot nila ng Linggo ay baka hindi na nila matatalo ang SMB.
Nanguna sa Beermen si Bennie Boatwright na may 24 habang 19 si CJay Perez. Naglaho ang pangarap na Grand Slam ng SMB na kampeon sa nakaraang Philippine Cup.
Ang mananaig sa nasabing serye ang makakalaro ng ROS sa best-of-seven semifinals.





Comments