top of page
Search

ni Lolet Abania | October 13, 2021


ree

Inihayag ni Robert “Dodot” Jaworski Jr. na ang kanyang ama na si PBA great Robert “Sonny” Jaworski ay patungo na sa full recovery matapos na tamaan ng pneumonia noong nakaraang taon.


Gayunman, inamin ni Dodot na ang kanyang ama ay nakikipaglaban sa isang rare blood ailment na dahil dito madali siyang tamaan ng ibang sakit.


“Mayroon siyang blood disease eh. It’s a problem na elevated ang kanyang iron... pero at the same time anemic siya,” ani Dodot sa isang interview. “For the past so many years, we’ve been trying to look for doctors here and abroad but none of them can understand anong nangyayari sa kanya… He’s okay naman but he’s not 100% physical strength.”


Si Jaworski na kilala rin sa tawag na “Big J” ay isa sa pinakaminahal ng lahat pagdating sa history ng basketball sa Pilipinas. Naging tatak niya ang “never say die” spirit ng Ginebra, na naging phenomenon, kung saan buhay na buhay pa rin ito sa kasalukuyan. Tinawag din siyang “Living Legend” ng Philippine basketball dahil sa pagtataglay ni Sonny Jaworski ng mahabang PBA career.


Subalit, ayon kay Dodot sa tagal ng basketball career ng kanyang ama, nagdulot umano ito ng panghihina ng kanyang katawan. “Sa long exposure niya sa physical strain ng hardcourt, siyempre lumalabas ang sakit ng tuhod, sakit sa likod,” ani batang Jaworski. “Inaalagaan siya sa bahay niya sa Corinthians. There are days he’s in high spirits, doing very well. May mga araw lang namang tahimik din siya. Sana nga bumalik ‘yung kanyang sigla at lakas.”


Sinabi rin ni Dodot na ang pagkakaroon umano ng tinatawag na elevated iron o mataas na iron sa katawan ang dahilan kaya ang kanyang ama ay nakatagal sa basketball. Pero ang kanyang kalusugan ay mabilis na nagbago habang tumatanda ito.


“He retired from the PBA at the age of 50. It could be ‘yung high iron levels is one of the reasons why parang naging super active siya compared to the others. Now ngayong nagkaka-edad siya, it could be the reason why humina siyang bigla,” paliwanag ni Dodot.


Humiling naman ng panalangin si Dodot para sa full recovery ng kanyang ama. “Sa lahat ng mga fans... we thank you for the well wishes, pero kailangan po ng dasal para tuluyan na siyang gumaling,” sabi pa niya.


 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | June 6, 2021



ree

Pumanaw na ang American basketball player na si Galen Young dulot ng vehicular accident, kung saan isang sasakyan ang sumalpok sa kanyang tinutuluyan sa 4589 Horn Lake Road, Memphis.


Ayon sa Memphis Police Department, “At 2:42 am, officers responded to a crash at 4589 Horn Lake Rd. where a vehicle crashed into the house. After the crash investigation, Young, 45, was located inside the residence and pronounced deceased. A citation was issued to the driver. The investigation is ongoing.”


Si Young ay kilala bilang Aces’ import player ng Philippine Basketball Association (PBA) nu’ng 2000. Naglaro siya kasama ang San Miguel Beer nu’ng 2007. Nakalaro rin niya ang Alaska noong 2004 at 2009.


Nagpaabot naman ng pakikidalamhati si Alaska coach Jeff Cariaso.


Sabi nito, "This breaks my heart. Galen was one of my favorite imports to play with. Not only was he a warrior on the court, he was an even better friend off it.”


“Prayers for his family during this tough time. Rest well in heaven my friend,” dagdag ni Cariaso.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page