top of page
TALKIES - KAREN, PROUD NA PROUD NA NAKAUSAP SI ANGELINA JOLIE_FB Karen Davila.jpeg
Search

by Gerard Arce @Sports News | October 14, 2026



Nakuha ni #18 Nicollete Anne Gaa ng Perpetual Help Lady Altas ang bola na binanat ni #9 Janelle Bachar ng San Beda habang nakaabang si #6 Edel Mae Valdez sa 2026 Shakey's Super League Unity Cup - Ben Maniclang

Photo: Binasag ni #12 Trisha Gayle Tubu ng Farm Fresh Foxies ang depensa ni #4 Maria Shola Alvarez at  #10 Jean Asis ng Galeries Tower Highrisers sa 2026 PVL All Filipino Conference Pulse Series sa Smart Araneta Coliseum kahapon. Wagi ang Foxies, 25-23,  25-22, 25-15. (Ben Maniclang) 



Mga laro sa Huwebes

(Ynares Antipolo)

1 pm – Akari vs Capital1

6 pm – Choco Mucho vs Zus Thunderbelles 


Balik ningning at pasikat si dating conference MVP Mylene Paat-Rezanova para sa Farm Fresh Foxies na dinismaya ang debut ni top overall pick Camila “Lams” Lamina ng Galeries Tower Highrisers sa 25-23, 25-22, 25-15 straight sets panalo kahapon sa unang laro ng 2026 Premier Volleyball League All-Filipino Conference Siklab series sa Araneta Coliseum.


Kumana ang 2022 Reinforced Conference MVP ng game-high at tanging may doble pigura sa 14 puntos, 11 atake at 3 blocks para sa Foxies na nakakuha rin ng suporta mula kina Frances Molina sa 9 puntos at 10 digs, at Trisha Tubu sa sariling 9 puntos.


Tanging si Erika Deloria lang ang tumapos ng may doble pigura sa 10 puntos mula sa 9 kills at 10 receptions, habang may 9 na excellent sets at 2 puntos ang dating UAAP two-time Best Setter na si Lamina. Ang second overall pick na si Asis ay may 6 na puntos at sina Gayle Pascual, Lycha Ebon at Aiza Pontillas ay may-tig-4 puntos.



 
 

ni Anthony Servinio @Sports | October 13, 2026



NCAA: Nitura ng Cardinals bumira, Knights pinasuko

Photo: Libreng naibuslo ni #26 Ivan Lazarte ng Mapua Cardinals ang bola sa depensa ni #4 Kevin Santos ng Letran Knights sa NCAA Season 102 men's basketball sa Filoil EcoOil Centre San Juan City kahapon. Wagi rito ang Cardinals, 69-67. (Ben Maniclang) 



Laro ngayon - FilOil 

3:00 PM Lyceum vs. Perpetual 

5:00 PM Arellano vs. SBU


Kumapit ng todo ang Mapua Cardinals para manaig sa Letran Knights sa overtime, 69-67, sa umiinit na NCAA Season 102 Men's Basketball sa FilOil Centre kahapon. Humaba sa apat ang sunod-sunod na panalo ng Cardinals matapos ang 0-3 simula.


Nag-shoot ng higanteng 3-points si Lance Nitura para bigyan ang Mapua ng 68-64 bentahe papasok sa huling 2 minuto. Nakahinga lang ng maluwag ang Cardinals nang hindi pumasok ang pukol ni Justin Cargo sabay ng busina na magpapanalo sana sa Knights.


Sinayang ng Mapua ang 53-38 lamang sa pangatlong quarter hanggang inagaw at ipinasok ni Cargo ang bola para sa pinakaunang lamang ng Letran, 59-58, at 3:25 sa huling quarter. Nagdagdag ng dalawang free throw si Cargo pero nakumpleto ni Ivan Lazarte ang foul-counted para pumantay, 61-61, at parehong hindi na pumuntos ang mga koponan para maglaro ng 5 pang minuto.


Tunay na balanse ang atake ng Cardinals at limang kakampi ang nanguna na lahat ay may 11 puntos na sina Nitura, Yam Concepcion, Cyrus Cuenco at mga reserba Lazarte at Jamal Diaz. Humakot din si Concepcion ng 11 rebounds.




 
 

ni Anthony E. Servinio @Sports | May 16, 2026



Caracut bagyo ng E-Painters swak sa semis, giba ang SMB

Photo: Credit Official PBA


Laro ngayong Sabado - Ynares Antipolo

5:15 PM Meralco vs. Magnolia

7:30 PM NLEX vs. TNT


Umapoy mula sa malayo ang Rain Or Shine Elasto Painters sa huling mga minuto upang masugpo ang San Miguel Beermen, 113-104, sa 2026 PBA Commissioner's Cup quarterfinals kagabi sa Ynares Center Antipolo. Ang ROS ang unang koponan na pasok sa semifinals.


Pumukol ng dalawang three-points at isang four-points si Andrei Caracut upang itayo ang 105-97 lamang sa huling tatlong minuto. Hindi pa tapos si Caracut at sinamahan siya nina Caelan Tiongson at Jaylen Johnson para lalong idiin ang kalaban, 113-100, na pinakamalaking agwat sa buong laro at isang minuto ang nalalabi.


Hinirang na Best Player si Caracut na may 29 puntos mula sa anim na tres. Parehong 23 sina Tiongson at Johnson. Ayon kay Coach Yeng Guiao, araw talaga nila at ito ang pinakamagandang pagkakataon na pumasok sa semifinals. Kapag pinaabot nila ng Linggo ay baka hindi na nila matatalo ang SMB.


Nanguna sa Beermen si Bennie Boatwright na may 24 habang 19 si CJay Perez. Naglaho ang pangarap na Grand Slam ng SMB na kampeon sa nakaraang Philippine Cup.


Tinatapos din kagabi ang tapatan ng #2 Barangay Ginebra at #7 Phoenix Fuel Masters.


Ang mananaig sa nasabing serye ang makakalaro ng ROS sa best-of-seven semifinals.

Dalawang knockout game para sa semifinals ang handog ngayon sa parehong palaruan tampok ang sagupaan ng numero uno NLEX Road Warriors at defending champion TNT Tropang 5G. Bubuksan ang aksiyon ng #4 Meralco Bolts kontra #5 Magnolia Chicken Timplados Hotshots.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page