top of page

Calamity Loan Program para sa mga Pag-IBIG Fund member na apektado ng bagyo

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 28
  • 2 min read

ni Fely Ng @Bulgarific | July 28, 2025



Bulgarific

Hello, Bulgarians! Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na maghatid ng agarang suporta sa mga Pilipino sa mga lugar na sinalanta ng kalamidad, agarang pinakilos ng Pag-IBIG Fund ang Calamity Loan Program nito para tulungan ang mga miyembrong naapektuhan ng Typhoon Crising.


“We are ready to assist our members affected by Typhoon Crising through the Pag-IBIG Calamity Loan,” pahayag ni Secretary Jose Ramon P. Aliling, namumuno sa Department of Human Settlements and Urban Development at chairperson ng 11-member Pag-IBIG Fund Board of Trustees. “We continue to closely monitor developments and are prepared to provide immediate aid in areas that may be declared under a state of calamity in the coming days. This is part of our continuing effort in heeding the call of President Marcos to deliver timely relief and support to those in need,” aniya.


Sa ilalim ng Pag-IBIG Calamity Loan Program, ang mga kwalipikadong miyembro ay maaaring humiram ng hanggang 90% ng kanilang kabuuang Pag-IBIG Savings, na binubuo ng kanilang buwanang savings, employer counterpart contributions, at earned dividends. Ang loan ay may interest rate na 5.95% kada taon, ang pinakamababa para sa mga cash loan sa merkado, at babayaran sa loob ng hanggang tatlong taon, na may tatlong buwang palugit bago ang unang pagbabayad. Ang mga miyembro ay maaaring maghain ng kanilang loan application sa loob ng 90 araw mula sa pagdeklara ng state of calamity sa kanilang lugar.


Samantala, sinabi naman ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Marilene C. Acosta na ang mga sangay ng Pag-IBIG ay nakikipag-ugnayan na ngayon sa mga local government unit sa kani-kanilang lugar para sa deployment ng mobile branch ng ahensya, ang Lingkod Pag-IBIG On-Wheels, upang tumanggap ng mga loan application mula sa mga miyembro, gayundin ang insurance claims mula sa mga kasalukuyang Pag-IBIG Housing Loan borrower na ang mga ari-arian ay nasira dahil sa bagyo.


“When calamities strike, we at Pag-IBIG understand that our members in affected areas need immediate financial assistance. For this reason, we make sure that all our services and benefits remain accessible to our members. Even while our offices and personnel in typhoon-hit areas have also been affected, our branches remain open and are ready to receive loan applications and housing loan insurance claims. We are also set to deploy our Lingkod Pag-IBIG On-Wheels to initially go around these areas once roads are accessible, to further bring our services closer to our members who are most in need. And, for members who have internet access, the Virtual Pag-IBIG is ready to accept their Calamity Loan applications online. During these trying times, our members can continue to count on Lingkod Pag-IBIG,” saad ni Acosta.


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page