top of page
Search

ni Fely Ng @Bulgarific | September 27, 2025



Bulgarific


 

Hello, Bulgarians! Inilunsad kamakailan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang YAKAP sa Yazaki- Torres Manufacturing Inc., Calamba City, upang direktang maabot ang employed sector. Ang seremonya ay pinangunahan nina DOLE Secretary Bienvenido E. Laguesma at PhilHealth President and CEO, Dr. Edwin M. Mercado, na kapwa nagbigay-diin na ang kalusugan ay pundasyon ng masigla at produktibong lakas-paggawa. 


Ang mga manggagawang Pilipino ay nagsusumikap araw-araw para sa ikabubuti ng kanilang pamilya at kinabukasan. Sa katunayan, humigit-kumulang isang-katlo ng ating buhay ay ginugugol sa trabaho. Sa kabila nito, marami pa rin sa ating mga kababayan, lalo na ang mga empleyado, ang walang sapat na oras o akses sa serbisyong pangkalusugan. 



ree


Bilang tugon dito, inilunsad ng PhilHealth ang Yaman ng Kalusugan Program (YAKAP) para “Malayo ka sa Sakit” na layuning gawing mas madali at abot-kamay ang primary care para sa lahat, lalo na sa mga abalang manggagawa. Hindi kailangang magkasakit para magpatingin, at ang YAKAP ay isa sa unang hakbang tungo sa pangangalaga, kahit walang iniindang karamdaman. 


Ang YAKAP ay konkretong hakbang ng PhilHealth sa ilalim ng direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. tungo sa Universal Health Care (UHC) para sa bawat Pilipino. Sa pamamagitan ng programang ito, sisiguruhing walang manggagawang maiiwan sa layunin ng gobyerno na isang malusog na bayan. 


Ito ay bahagi ng aming settings-based registration approach, kung saan nilalapitan na mismo ng PhilHealth ang mga tao kung nasaan sila, sa mga opisina, eskwela, o komunidad. Layunin naming mas mapalawak ang saklaw at mas mapabilis ang serbisyo,” ayon kay PhilHealth Acting President and CEO Dr. Edwin Mercado. 


Ang estratehiya namin ay strategic implementation. Gusto naming tiyakin na habang pinapalawig natin ang serbisyo, pinapahusay din ang kalidad at abot nito,” dagdag ni Dr. Mercado.


Sa pagtutok sa primary care ng employed sector sa pamamagitan ng PhilHealth YAKAP, mas pinapalawak nito ang saklaw ng UHC at pinatitibay ang pundasyon ng isang mas inklusibo at epektibong sistemang pangkalusugan.  


Para sa karagdagang impormasyon ukol sa PhilHealth YAKAP, maaaring bisitahin ang PhilHealth website www.philhealth.gov.ph o tumawag sa PhilHealth hotline: (02) 866-225-88 o mobile numbers (Smart) 09988572957, 09688654670, (Globe) 09171275987 or 09171109812.


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng @Bulgarific | September 13, 2025



Bulgarific


Hello, Bulgarians! Nagsagawa ang PhilHealth ng kauna-unahang pagbabayad nito sa ilalim ng GAMOT (Guaranteed Access to Medicines and Outpatient Treatment) program sa CGD Medical Depot Inc., isang retail na botika na accredited ng PhilHealth GAMOT na matatagpuan sa Ayala Malls-Vertis North sa Quezon City. 


Para sa PhilHealth, ang isinagawang turnover ay bahagi ng kanilang pagtupad sa pangakong gawing abot-kamay ang mga gamot para sa bawat Pilipino.


Ang PhilHealth GAMOT ay komprehensibong outpatient drug benefit package na sumasaklaw sa mga mahahalagang gamot, ito ay sa ilalim ng pinalawak na primary care benefits na YAKAP. 


Nagdagdag ito ng 54 na mahahalagang gamot mula sa kasalukuyang 21 gamot upang malunasan ang iba’t ibang karamdaman gaya ng infections (anti-microbial), asthma at COPD, diabetes, high cholesterol (dyslipidemia), high blood pressure at heart conditions (cardiology), at nervous system disorders, kasama ang iba pang supportive therapies. 

Ang inisyatibang ito ay katuparan ng direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa kanyang nakaraang State of the Nation Address (SONA) na gawing abot-kaya at abot-kamay ang mga gamot para sa lahat.





“Hindi lang ito basta bayad sa serbisyong ipinagkaloob ng ating partner pharmacy. Ito ay pagtupad sa pangako na gawing abot-kamay ang gamot sa nangangailangan nito,” saad ni PhilHealth Acting President at CEO Dr. Edwin M. Mercado sa ginanap na turnover rites sa Lungsod ng Makati.


Sa pakikipagtulungan sa mga FDA-licensed retail pharmacies sa buong bansa, tinitiyak ng PhilHealth na madaling makukuha ng mga miyembro ang mga gamot na inireseta sa kanila sa pamamagitan ng mga accredited GAMOT facilities.


Upang magamit ang benepisyong ito, hinihikayat ang mga miyembro na i-download ang eGovPH mobile app upang makapag-register, makapili ng YAKAP Clinic o Primary Care Provider (PCP), at pag-iskedyul ng First Patient Encounter (FPE).


Nito lamang Setyembre 3, mayroon nang 41 operational GAMOT facilities sa National Capital Region (NCR), at inaasahang madadagdagan pa ang mga ito na handang tumugon sa naturang programa. 


Inaanyayahan ang publiko na bisitahin ang link na ito: https://www.philhealth.gov.ph/partners/providers/facilities/accredited/GAMOT.pdf upang manatiling updated sa pinakabagong listahan ng mga accredited GAMOT facilities.


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng @Bulgarific | August 31, 2025



Bulgarific


Hello, Bulgarians! Nagsama-sama kamakailan ang mga top official ng Organization of Socialized and Economic Housing Developers of the Philippines (OSHDP) member-companies sa likod ng kampanya ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. laban sa katiwalian sa burukrasya, at patnubayan ang sektor ng pabahay bilang modelo ng isang industriyang walang katiwalian at transparent. 


Ginanap ang Housing Summit kamakailan, na inorganisa ng OSHDP, kung saan umani ng palakpakan mula sa mga stakeholders ang naging talumpati ni Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Jose Ramon Aliling.

“Even 1 percent of corruption is unacceptable. Both the private sector and the government should work together to achieve zero corruption in the housing sector,” pahayag ni Secretary Aliling.


“Pakita natin na kaya po ito ng housing sector so we can inspire others to do the same. Tulungan po natin si President Marcos Jr. na labanan ang korupsiyon. Seryoso po siya rito. May pag-asa pa po ang ating bayan,” dagdag pa niya.





Sa kanyang 90 days na panunungkulan, ipinakilala ni Secretary Aliling ang mga reporma sa ilalim ng Department’s 8-Point Agenda bilang pagsunod sa Bagong Pilipinas brand ng proactive at people-centric na pamamahala ng Presidente.


Kabilang sa mga repormang ito ay ang zero tolerance policy for corruption, streamlining of process, digitalization, recalibration at pagpapalawak ng flagship na Pambansang Pabahay para sa Pilipino (4PH) Program.


Ang mga repormang ito ay agad na nakakuha ng suporta mula sa mga stakeholder, kung saan hindi bababa sa 42 private developer ang nagsasagawa ng higit sa 250,000 housing units sa ilalim ng Expanded 4PH, habang ang iba’t ibang grupo ng maralitang lungsod at civil society organization ay nakibahagi bilang parte ng transformative at participative leadership ng DHSUD chief.


“It’s a matter of political will. Tulungan po natin ang ating Pangulong Marcos Jr. na labanan ang katiwalian upang tuluyan na tayong umunlad,” saad pa niya.


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page