top of page
Search
  • BULGAR

Ben&Ben, trending#1 sa South Korean charts

ni Lolet Abania | July 23, 2020


Batay sa kasunduan ng Pilipinas at ADB, gagamitin ang naturang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipinong naapektuhan ng COVID-19.


Super happy ang bandang Ben&Ben matapos na mag-trending sila sa South Korean charts.


Excited na shinare ng grupo sa socmed ang good news na ito.


"Woah this is crazy. We are trending in South Korea," sabi nila, sabay posting ng isang screengrab ng tweet ng YG Charts.


Ayon sa kanilang Twitter bio, layunin ng YG Charts na magbigay ng impormasyon at kaganapan sa mga YG artists tulad ng Blackpink, Treasure at Winner sa international muaic charts.


"A Filipino band Ben&Ben is currently trending #1 and also occupied the #2, #3, #6, and #7 position on Melon Realtime Search Chart," ayon sa post ng banda mula sa naturang kumpanya.


"And I don't know why," dagdag pang post.


Sumagot naman ang isang fan sa tweet, "Uy nice," na nag-share ng isang screengrab na nagpapakitang trending talaga ang Ben&Ben, kasunod ang salitang "Leaves, na maaring isang kanta o 2017 album mula sa title ng single nila.


Pinakabusy ang Ben&Ben kahit na panahon ng pandemic, dahil sa ginagawa nilang intimate online gigs at naglalabas pa rin ng maraming songs kasama ang international single na "Doors" at "Lifetime", na inspired ang title ng song sa istorya ng isang fan.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page