top of page
SPECIAL - MARIEL, SWAK DAW KAY SEN. ROBIN DAHIL PAREHONG BOBO-IG _marieltpadilla.jpg
Search

by Gerard Arce @Sports News | June 25, 2026



Gilas Women sabak sa FIBA 3x3 Ulaanbaatar 

Photo: Pangungunahan ni Mikha Cacho ng Gilas Pilipinas women kasama ang Manila Gilas sa kanilang kampanya sa FIBA3x3 Women's Series 2026 Ulaanbaatar Stop sa Sukhbaatar Square, Mongolia. (fbpix)



Laro ngayong Huwebes - Sukhbaatar Square

10:50 AM Pilipinas vs. NZ

11:15 AM Manila vs. Lion City

12:30 PM Pilipinas vs. Paraguay

12:55 PM Manila vs. Sukhbaatar


Magbabalik ang Gilas Pilipinas at Manila Gilas sa FIBA3x3 Women's Series 2026 Ulaanbaatar Stop ngayong Huwebes sa Sukhbaatar Square, Mongolia. Daraan muna ang mga koponang Pinay sa qualifier at pareho silang mabigat na paboritong umangat at labanan ang mga bigatin.


Binubuo ang Gilas ng numero unong manlalaro ng bansa Mikka Cacho, #3 Reynalyn Ferrer, #5 Kacey dela Rosa at #9 Camille Clarin. 


Nasa Manila sina #2 Kaye Pingol, Samantha Harada, Karl Anne Pingol at Angelica Surada.


Unang haharapin ng Pilipinas na #23 sa FIBA3X3 Ranking ang #24 Aotearoa New Zealand at #76 Paraguay. Kung mananaig, tutuloy sila sa Pool C kung saan naghihintay ang Japan at Pransiya Under-25.


Ang Manila ay itinuring na club at nakatakdang tapatan ang Lion City ng Singapore at Sukhbaatar ng Mongolia. Ang papalarin ay ilalagay sa Pool D kasama ang Mongolia at Tsina.


Lumilitaw na mabigat na paborito ang Ulaanbaatar Amazons na pangungunahan ang Pool A kasama ang Thailand at Singapore. Binubuo ang Pool B ng Alemanya at mga club Amgalan ng Mongolia at Yanjing ng Tsina.


Nais bumawi ang Gilas mula sa pagtatapos ng ika-14 sa pambungad na Chengdu Stop at ika-11 sa Manila Stop sa MOA noong Mayo para maging ika-31 sa 55 kalahok matapos ang unang pito sa 24 yugto. Nagtapos ng ika-15 ang Manila sa MOA at nasa ika-49.


Mapapanood ang mga laro sa opisyal na YouTube ng FIBA3x3. Ang playoffs ay sa Biyernes kung saan $14,000 (₱860,059) ang naghihintay sa kampeon.


 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | June 13, 2026



WINNER - ZEINAB, IN-ANNOUNCE NA GUMAGAWA SILA NG BATA NG MISTER SA EUROPE-IG _zeinabharake

Photo: IG _zeinabharake



Inakusahan ang content creator-vlogger na si Zeinab Harake na magho-hoard ng tickets para sa concert ng BTS sa Pilipinas. 


Kahit nasa Europe at gumagawa ng baby kasama ang mister niyang si Ray Parks Jr.r., hindi nakapagpigil sa pagre-react si Zeinab at pumutak sa mga faney ng sikat na K-pop group.


Aniya sa X (dating Twitter) nu’ng Huwebes, fake news ito.


Paninita pa ni Zeinab sa fan ng BTS, “Tama na sa mga fake news n’yo, guys. As in, favorite n’yo talaga ako lately? Hehehe! Kung puwedeng bumili ng 50 tickets, automatic ipamimigay ko pa ‘yan sa mga legit na ARMY (BTS) fans. Kaso ‘di po puwede ‘yun.”


Pahabol pa sa dulo ni Zeinab, “Nasa Europe ako, gumagawa ng bata. BRB (be right back) po. Love, love.”


Natuwa ang mga netizens sa pagsita ni Zeinab sa mga fans.

Sey ng mga netizens:


“Ganito dapat ‘yung nagki-clear agad. ‘Yung iba r’yan, may pa-touch some grass pang nalalaman.”


“Thank you for the clarification po! Huhuhu! We’re just really mad at those influencers and artists who aren’t even real fans. Continue doing baby #3.”


“Thank you po sa pag-clarify. Sige po, gawa po kayo ng basketball team. Good luck po.”

Basketball team talaga? Keri kaya ng matris ni Zeinab Harake ang ganyang karaming anak?


Well… 





Naglabas ng saloobin si Asia’s Songbird Regine Velasquez hinggil sa pagkamatay ng dalawang basketball players ng Ateneo de Manila University (ADMU).

Relate na relate si Regine sa pamilya, lalo na sa mga ina ng mga yumaong basketball players.


“Who is liable? As parents, we always want the best for our children. We want them to experience and enjoy what life has to offer,” panimula ni Regine sa kanyang post sa X (dating Twitter).


Ayon sa singer, ang eskuwelahan ang ikalawang tahanan ng mga estudyante.

Pagpapatuloy ni Regine, “School is like their second home and we put our trust in the institution not only to teach them how to be productive and hopefully be successful but more importantly, to teach them how to be Godly.


“We don’t normally mind the field trips because we know our kids will love them as they will have new experiences. The thing that I’m not so comfortable with is signing a waiver. Why?

“The school is responsible for educating our kids but is not responsible for their safety? I don’t understand. I’m extremely emotional about this because I am a mother, and I am sure all mothers would agree that even if we sue those who are responsible for any tragedy, a loved one’s life has been lost and will never be returned.


“We empathize with the parents of those who lost their beloved sons in the recent tragedy, and our hearts and prayers go out to them.”


Sang-ayon naman ang mga netizens sa mga sinabi ni Regine.

Komento ng mga fans:


“Ms. Regine is always on the right side of history. The voice of reason. Beacon of justice.”

“No parent should ever feel the pain of burying their own child.”

“Tama po. Dapat ay liable at accountable talaga ang school.”

‘Yun na!

 
 

ni Anthony E. Servinio @Sports | May 21, 2026



Malakas na umangat si KJ Quinto ng Meralco Bolts para pakawalan ang bola upang hindi abutan ng matinding depensa ng katunggaling ng Talk 'N Text Tropang 5G sa unang tagpo nila sa semifinals game ng PBA Commissioner's Cup best of seven series sa Ynares Center Antipolo City.

Photo: Malakas na umangat si KJ Quinto ng Meralco Bolts para pakawalan ang bola upang hindi abutan ng matinding depensa ng katunggaling ng Talk 'N Text Tropang 5G sa unang tagpo nila sa semifinals game ng PBA Commissioner's Cup best of seven series sa Ynares Center Antipolo City. (Reymundo Nillama)  


Laro sa Biyernes - MOA

5:15 PM ROS vs. Ginebra

7:30 PM TNT vs. Meralco


Sumandal ang defending champion TNT Tropang 5G sa malakasang huling quarter upang mabigo ang Meralco Bolts, 94-89, sa pagbubukas ng 2026 PBA Commissioner's Cup Semifinals kagabi sa Ynares Center Antipolo.


Huling hinawakan ng Bolts ang 75-74 bentahe at mula doon ay gumana ng todo sina Calvin Oftana, Roger Pogoy at Jordan Heading upang ibalik sa 11 ang agwat, 88-77. Unang lumamang ang Tropa, 32-21, unang minuto ng pangalawang quarter.


Hindi basta tumiklop ang Meralco at lumapit sa four-points ni Bong Quinto, 89-92. Sinagot ito ng buslo ni super import Bol Bol upang makahinga ang Tropa at kumapit sila sa nalalabing 46 segundo.


Napiling Best Player si Heading na may 15 puntos bilang reserba. Nagsumite muli ng halimaw na numero si Bol na 37, 11 rebounds, walong assists at anim na tapal sa 42 minuto.


Ayon kay Coach Chot Reyes, ang pundasyon ng laro nila ay huwag sila daigin ng Meralco pagdating sa trabaho. Kailangan higitan nila ang enerhiya ng kalaro.


Nagtala ng 22 at 14 rebounds si Marvin Jones. Sumunod sina Quinto na may 17 at CJ Cansino na may 12. Tinatapos kagabi sa 2nd game ang unang laro ng #2 Barangay Ginebra at #3 Rain Or Shine Elasto Painters. Tinambakan ng Gin Kings ang ROS sa elimination, 114-90, noong Mayo 3 sa likod ng 40 ni Justin Brownlee.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page