top of page

Mula ABS-CBN at GMA-7, kaya lumipat sa TV5… MR. M, AYAW NG MASUNGIT NA KATRABAHO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 4 minutes ago
  • 4 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | November 8, 2025



SPECIAL - KIM, NAG-TOPLESS SA HARAP NI PAULO_FB Paulo Avelino

Photo: Mr. M / interview



Mula sa pagiging star builder sa ABS-CBN, nag-ober da bakod sa GMA-7, ngayon ay nasa TV5 na ang nag-iisang si Mr. Johnny Manahan!


Sa ginanap na contract signing niya sa Kapatid Network last Thursday na dinaluhan ng mismong chairman ng TV5 na si Mr. Manny V. Pangilinan (MVP) at ng iba pang opisyal ng network tulad nina Ms. Jane Basas, Ms. Sienna Olaso, Mr. Jeff Remigio at iba pa, ikinuwento nina Mr. M at MVP na pandemic days pa unang inalok na maging bahagi ng Kapatid Network ang star builder na nagpasikat kina Piolo Pascual, Jericho Rosales, Claudine Barretto, Bea Alonzo at sa marami pang Star Magic stars.


Pero hindi nag-materialize ang pag-uusap nila noon at ngayon nga lang finally na-welcome si Mr. M para maging bahagi ng MQuest Ventures & MQuest Artists Agency ng TV5.


Sa kanyang speech, nasabi ni Mr. M na napapayag siyang maging bahagi ng TV5 dahil mahirap daw ‘yung may katrabahong ‘masungit’, kaya naintriga ang mga press at vloggers kung sino ang pinatutungkulan niya nito sa dalawang networks na pinanggalingan niya.


Pero nang diretso naming itanong ito kay Mr. M sa Q&A, natatawang sabi nito, “Ibubulong ko na lang sa ‘yo.”


Hindi na rin niya sinagot ito kahit nu’ng pinipiga namin sa one-on-one interview. Ang tiniyak ni Mr. M, kung ano’ng strategy ang ginawa niya para mapasikat ang mga kinikilala na nating biggest celebrities ngayon ay siya rin niyang gagawin sa Kapatid stars nang “mapalipad” ang career ng mga ito.


At dahil nasa TV5 na nga si Mr. M, we can expect na “madala” rin niya ang mga anak-anakang pinasikat sa ABS-CBN para makagawa ng proyekto sa TV5. Una na nga rito sina Piolo Pascual at Andrea Brillantes na may collaboration na sa Kapatid Network para sa Manila’s Finest ng aktor at endorsement naman ang sa aktres.


Samantala, dahil first time naming nakapanayam si Mr. M, diretso na rin naming itinanong sa kanya kung totoo ba ang mga chika-chika noon pa na naglalagay daw siya ng “wall” sa pagitan ng mga talents na hawak niya at sa press people, even sa mga fans?

Shookt na sagot ni Mr. M, “Wall between the (stars) and the press? Wala, walang ganu’n. Tsismis ‘yun, parang mali. Fake news.”


Dagdag nito, “That’s one of the lessons we learned. We cannot keep them quiet. Sasabihin nila kung ano ‘yung gusto nilang sabihin. Of course, they come to us to say ‘What should I say?’ and then she (referring to Ms. Pat P Daza na katabi niya) helps us, she guides them. And whenever there is an occasion for that, they speak out. And we encourage them. Walang wall dito.”


So, kung sakaling may talent na ma-involve sa controversy, depende pa rin naman daw kung kailangang mag-issue ng statement o hindi na dapat pang patulan.

Basta ang maiga-guarantee lang daw ni Mr. M, gagawin niya ang best niya para hindi mapahiya kay MVP at sa iba pang bossing ng TV5.


Samantala, proud ding in-announce ni Mr. M na binigyan siya ng ‘go signal’ ni MVP na palitan ang dating pangalan ng talent agency ng TV5. Kaya mula sa dating MQuest Ventures & MQuest Artists Agency, tatawagin na ito ngayong Starworx.


At tulad ng naumpisahan niya sa ABS-CBN na Star Magic Ball na dinala sa GMA-7 at naging GMA Gala Night, magkakaroon na rin daw ng ganito sa TV5 para mas makilala ang mga talents ng Kapatid Network.


Kaya abangan ang mga magiging pagbabago pa sa TV5 soon. 



Ober da bakod dahil kay Mr. M…

PIOLO, ANDREA AT IBA PANG KAPAMILYA, PASOK NA SA TV5



SA showbiz, hindi sapat ang talento lang para makilala at magtagumpay. Kailangan ng puso, determinasyon at malinaw na pagkakakilanlan bilang artist. Ito mismo ang mensaheng tumatak sa Ask Boy Abunda segment ng CIA with BA kung saan isang performer mula sa Hong Kong na si Athena Alba ang nagtanong kay King of Talk Boy Abunda tungkol sa kung ano nga ba ang sikreto para mahalin ng masa.


Sagot ng kilalang TV host-manager, “Kahit hindi sa masa, kahit ‘pag nasa entablado ka lang, importante na alam nilang gustung-gusto mo ‘yung ginagawa mo,” na binigyang-diin ang kahalagahan ng tunay na passion sa pagpe-perform.

Dagdag pa ni Tito Boy, “I like artists who are hungry. Gusto ko ‘pag kumakanta sila ng awitin, parang it’s the last song they’re going to sing in life. Bawat hinga, bawat tingin, bawat note ay ninanamnam.”


Para kay Tito Boy, bukod sa passion at hunger, mahalagang pinaghihirapan din ng isang artist ang kanyang tagumpay upang maramdaman ng audience ang katotohanan sa kanyang performance.


Nang tanungin naman ni Athena kung paano malalaman ng isang artist kung ano talaga ang para sa kanya, hinikayat ni Tito Boy ang mga aspiring performers na huwag matakot mag-experiment.


“You go to as many genres as possible… so don’t be afraid to experiment, to go on an adventure, looking for your musical identity,” aniya, habang ikinukuwento ang kanyang karanasan sa pagma-manage ng mga singers na unti-unting natagpuan ang kanilang tunay na tunog sa pamamagitan ng pag-e-explore.


Sa huling tanong ni Athena kung paano naman maging kakaiba sa gitna ng napakaraming artists ngayon, sagot ni Tito Boy, “You have to discover that. ‘What makes me different?’ It can be physical, it can be in the music, it can be in the style, so kailangang meron kang identifying mark.”


Paliwanag pa niya, bawat artist ay kailangang magkaroon ng sariling differentiator — isang katangiang natatangi sa kanila na magpapatingkad at magpapakilala sa kanilang pagkatao sa entablado.


Para kay Tito Boy, ang tunay na susi sa tagumpay ay hindi lang talento, kundi ang gutom, puso, at sipag na makikita sa bawat pag-awit at pagganap.


Oh, ‘di ba? Ang dami talagang natututunan sa CIA with BA na pinangungunahan nina Senators Alan Peter at Pia Cayetano kasama si Boy Abunda at napapanood tuwing Linggo, 11:00 PM sa GMA-7, at may replay tuwing Sabado, 10:30 PM sa GTV.


Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page