top of page
TALKIES - KAREN, PROUD NA PROUD NA NAKAUSAP SI ANGELINA JOLIE_FB Karen Davila.jpeg
Search

by Gerard Arce @Sports News | November 15, 2026



Manny Pacquiao at Conoro Benn - IG

Photo: Lumampas ang bola na tirada ni #9 Patricia Leanne Jan Arciaga ng FEU Lady Tamaraws sa nakadepensang si #1 Marianne Tayag, #2 Jewel Landasan at #6 Liana Fabella ng San Sebastian College Recoletos kung saan nagkaroon ng Ball Challenge sa 2026 Shakey's Super League Unity Cup sa Rizal Memorial Coliseum. Wagi ang Lady Tamaraws kahapon sa iskor na 25-14,  25-16,  25- 21. (Ben Maniclang) 




Itinakda ng FEU Lady Tamaraws at UST Golden Tigresses ang kanilang harapan sa semifinals sa magkahiwalay na panalo, habang napuwersa ng Adamson Lady Falcons ang sudden death kontra UP Lady Maroons sa quarterfinal match kahapon sa Shakey’s Super League (SSL) Unity Cup sa Muntinlupa Sports Center.


Maghaharap ang FEU at UST sa susunod na Sabado, Nob. 21 sa knockout semifinals na makakaharap ang magwawagi sa kabilang bracket na kinabibilangan ng defending champion na NU Lady Bulldogs.


Bumida para sa FEU si Cla Loresco sa 15 puntos para itala ang 25-18, 19-25, 25-15, 25-13 na panalo laban sa Ateneo Lady Eagles, habang winalis  ng UST ang CSB Blazers sa 25-17, 25-15, 25-13.


Nagtulong sina Frances Mordi, Shaina Nitura at nagbabalik na ace playmaker Fhei Sagaysay para sa 3rd seed na Adamson upang kunin ang 25-20, 25-17, 26-24 straight set kontra UP na muling makakaharap ngayong araw sa parehong venue para alamin ang uusad sa semifinals para kaharapin ang NU.



 
 

by Gerard Arce @Sports News | October 12, 2026



Nakuha ni #18 Nicollete Anne Gaa ng Perpetual Help Lady Altas ang bola na binanat ni #9 Janelle Bachar ng San Beda habang nakaabang si #6 Edel Mae Valdez sa 2026 Shakey's Super League Unity Cup - Ben Maniclang

Photo: Nakuha ni #18 Nicollete Anne Gaa ng Perpetual Help Lady Altas ang bola na binanat ni #9 Janelle Bachar ng San Beda habang nakaabang si #6 Edel Mae Valdez sa 2026 Shakey's Super League Unity Cup sa Rizal Memorial Coliseum kahapon. Wagi ang Lady Altas 28-30, 25-19, 23-25, 25-17,16-14 na umabot sa 5th set. (Ben Maniclang)



Mga laro sa Biyernes

(Rizal Memorial)

1 p.m. - Letran vs San Beda

3 p.m. - JRU vs CSB

5 p.m. - NU vs Perpetual 



Nanatiling buhay ang tsansa sa playoffs ng UPHSD DALTA Lady Altas matapos na matakasan ang San Beda  na nagtapos sa dikdikang 28-30, 25-19, 23-25, 25-17, 16-14, upang makuha ang unang panalo sa 2026 Shakey’s Super League (SSL) Unity Cup kahapon sa Rizal Memorial Coliseum.


Naging sandalan pagdating sa opensa ng Lady Altas si Jemalyn Menor, habang sumaklolo rin sa importanteng yugto sa laro si Cyrille Almeniana na bumirada ng  krusyal na puntos para makuha ang 1-1 rekord sa Pool A. 


 “Talagang nagtulungan kami sa loob ng court, pinaghirapan namin talaga ito para maipanalo ‘yung game namin ngayong araw,” pahayag ni Menor, na nag-ukit ng game-high 25 points mula sa 23 kills, at tig-isang ace at block. 


Nagdagdag si Almeniana ng 14 points, galing sa 13 atake.  Tanging dalawang koponan lang ang uusad sa susunod na round, na pinagbibidahan ng 5-peat-seeking NU Lady Bulldogs sa 3-0, habang bida sa Pool B ang last year runner-up na UST (2-0); FEU  (2-0) sa Pool C at UP (2-0) sa Pool D.


Nalasap ng San Beda ang ikalawang sunod na pagkatalo na pinagbidahan ni Angel Habacon sa 16 puntos.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page