top of page

Mga bundok, pinatag, ginawang subdivision… MALAKING BAHA SA CEBU, ISINISISI KAY SLATER YOUNG

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 17 minutes ago
  • 3 min read

ni Ambet Nabus @Let's See | November 7, 2025



LET’S SEE - MALAKING BAHA SA CEBU, ISINISISI KAY SLATER YOUNG_IG _thatguyslater

Photo: IG _thatguyslater



Grabe ang paninisi na ibinigay ng Cebu netizen kay dating Pinoy Big Brother (PBB) housemate Slater Young na isa na ngayong matagumpay na engineer na nakabase nga sa naturang probinsiya. 


Ang pag-develop at pagpapatayo ng mga subdivision at mga istruktura ang hanapbuhay ngayon ni Slater. 


At bilang isang mahusay na engineer, marami nga siyang proyekto na nagawa at ginagawa, sa Cebu man o karatig-lugar.


Nang dahil daw sa naging proyekto nito sa probinsiya na exclusive subdivision o villages kung saan pinatag ang isang bundok o ilang mga kabundukan ay mas naging prone sa baha o landslide ang mga karatig-lugar nito.


At nito ngang nagkaroon ng sunud-sunod na kalamidad, mula lindol, bagyo at baha, kay Slater nga isinisisi ang naranasang grabeng pagbaha.


Sinubukan naming hingan ng komento o pahayag ang minsan din naman nating naging kaibigan during his brief showbiz time, pero wala itong sagot hanggang sa isinusulat namin ito.


Nag-try din kaming humingi ng statement mula sa kanyang dating handler na Cornerstone pero hindi rin kami nakakuha pa ng sagot.


Sa socmed (social media) naman ay may mga nagtatanggol sa kanya dahil mas dapat daw na kastiguhin ang mga LGU (local government units) na nagbigay ng permit para gawin nga ang pagpatag at pagkakalbo ng bundok kung saan itinayo ang mga subdivision.



Star Works (o Starworx?) ang magsisilbing talent arm ng TV5 kung saan nga pormal nang pumirma ng kontrata ang kinikilalang star builder ng showbiz in the last 30 plus years na si Johnny Manahan o simply called Mr. M.


Mismong ang mga big bosses ng TV5 ang nag-welcome sa kanya sa pangunguna ni Sir Manny V. Pangilinan o MVP, Ma’m Jane Basas, Ma’am Sienna Olaso, Jeff Remigio at iba pang may matataas na katungkulan sa Kapatid Network.


“This is simply a warm homecoming. Being with you media people whom I have worked with for almost four decades is in itself an event. ‘Yung makasama ko kayo na masaksihan ninyo ang pagiging Kapatid natin ay mahalagang araw sa akin. 


“Star Works is here to continue discovering, developing, and honing artists in the league of Piolo Pascual, Jericho ‘Echo’ Rosales, and other known artists in this generation. Kayo uli ang makakasama at makakatulong ko rito,” saad pa ni Mr. M.


At dahil usung-uso nga raw ang collaboration sa mga networks, umaasa si Mr. M na mas lalawak at magkakaroon ng maraming opportunities ang mga nasa bakuran ng bawat network.


Kapuna-puna nga lang na parang iniiwasan niyang banggitin sa kanyang kuwento ang ABS-CBN Network kung saan nga niya nagawang higante ang mga names nina Piolo, Echo, Bea Alonzo, Angelica Panganiban, Enrique Gil, Daniel Padilla, etc..


“Basta okey tayo to do collab with GMA-7, at siyempre dito sa TV5 kung saan paliliparin natin ang mga career ng gaya nina Cedric (Juan), Dylan (Menor) at iba pang Kapatid artists,” hirit pa ng star builder.


Nagbiro naman ang top honcho ng network na si MVP na finally ay mayroon nang magma-manage sa kanya at hindi pa huli para sa kanyang showbiz career. 


Kaya naman nang personal at sandali namin itong makahuntahan, sinabi nito sa amin na, “Ambet, ikaw na ang direktor ko,” sabay sagot naman namin ng “Naku, ‘di ba, dapat ako ang manager mo? Hahaha!”

Welcome to TV5, Mr. M!



SA pagpapatuloy ng bagong yugto ng Encantadia Chronicles: Sang’gre (ECS) ay isa-isa nang nagpapakita muli ang mga OG characters noong 2016. Ilan sa kanila ay sina John Arcilla bilang Hagorn at Sparkle artist Rochelle Pangilinan bilang Agane.


Sa recent episode ay nagkita na nga sila ni Pirena (Glaiza De Castro) matapos siyang tumakas sa Devas at mapunta sa Balaak. Si Hagorn (John Arcilla) ang ipinakilalang hari ng Balaak kung saan pinamumunuan niya ang mga dati ring nakasama ni Pirena noon sa Hathoria. 


Sey ng isang netizen, “Na-miss ko si Haring Hagorn. Matatawag ko na talaga itong Encantadia.”


Ano kaya ang magiging papel ng mga nagbabalik na karakter sa panibagong yugto? 

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page