Airforce Aguilas, nakauna sa PNVF Champion's League
- BULGAR
- Nov 30, 2021
- 2 min read
ni VA / MC - @Sports | November 30, 2021

Maganda ang naging simula sa men's tournament ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) Champions League nang magwagi ang Go for Gold Air Force Aguilas kontra VNS Manileño Spikers sa bisa ng paggiba sa five-set, 23-25, 25-23, 19-25, 25-23, 15-11 kahapon.
Naglista si Mark Gil Alfafara ng 19 points para sa Air Force squad, habang si John Vic de Guzman ay nakapagtala ng 15 attacks para sa tagumpay. Nabalewala ang 17 puntos ni R-Vin Morris Gavan sa VNS.
Habang isinusulat ito ay naglalaban ang Sabong International Spikers at MRT-Negros maging ang Global Remit at Team Dasma sa dakong hapon ang bakbakan. Ang magwawagi sa men's tournament ang kakatawan sa bansa para sa Asian Club Volleyball Championship 2022.
Samantala, kumuha na ng abogado at tagapagsalita ang Olympian pole vaulter na si EJ Obiena na kakatawan at magsasalita para sa kanya sa kasalukuyang gusot nila ng Philippine Athletics Track and Field Association (Patafa).
Sa kanyang post sa social media, sinabi ni Obiena na ang Gana Tan Atienza Avisado Law Offices ang kakatawan sa kanya para sa pag-iimbestiga ng mga awtoridad sa kontrobersya hinggil sa suweldo ng kanyang Ukrainian coach na si Vitaly Petrov.
“Today, I have officially engaged Atty. Alex Avisado and the Gana Tan Atienza Avisado Law Offices as my legal counsel to represent me in all current and future investigations including the filing of any possible and appropriate civil, criminal, and administrative actions,” pahayag ni Obiena.
Itinalaga niyang opisyal na tagapagsalita ang kanyang trainer at adviser na si James Lafferty. Si Laferty ang nagbalita kamakailan na may mga bansa ng nagpahiwatig sa kanila ng kagustuhang makuha si Obiena.Handa rin aniya ang mga itong bigyan ng pasaporte ang Pinoy pole vaulter.





Comments