top of page

After ng pamamaril sa White House... Trump, tiwala pa rin sa Secret Service

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 12 hours ago
  • 1 min read

ni Jenny Rose Albason @Overseas News | April 29, 2026



Trump shooting attempt - Courtesy Reuters


Buo pa rin ang tiwala ng White House sa United States Secret Service sa pagbabantay sa seguridad ni US President Donald Trump, kasunod ng insidente ng pamamaril sa isang hotel sa Washington, DC noong Sabado (Linggo sa Pilipinas).


Ayon sa isang opisyal ng White House, naniniwala ang Pangulo na naging mahusay ang pagtugon ng mga ahente ng Secret Service matapos nilang mapigilan ang suspek.


Kasabay nito, magsasagawa ng masusing pagrepaso sa mga security protocol upang maiwasan ang kahalintulad na insidente sa hinaharap.


Matatandaang naganap ang pamamaril malapit sa security checkpoint sa lobby ng hotel, kung saan idinaos ang isang event kaugnay ng White House Correspondents’

Dinner.


Kinilala ng mga otoridad ang suspek na si Cole Tomas Allen, 31-anyos mula California, na agad na inaresto matapos umanong magpaputok ng baril sa lugar.

Nakatakda siyang humarap sa korte kaugnay ng patong-patong na kasong isasampa laban sa kanya.


Napag-alaman na inilalarawan ni Allen ang kanyang sarili bilang isang “game developer and teacher,” ngunit patuloy pang inaalam ng mga imbestigador ang kanyang motibo at iba pang detalye.


Samantala, sinabi ni Federal Bureau of Investigation (FBI) Director Kash Patel na handa ang FBI na tumulong sa posibleng muling pagdaraos ng White House Correspondents’ Dinner sa loob ng susunod na 30 araw, bagama’t wala pang pinal na anunsyo.


Iminungkahi rin ni Trump na maaaring ituloy ang event sa lalong madaling panahon, ngunit nilinaw ng mga opisyal na wala pang opisyal na iskedyul at isinasailalim pa ito sa masusing pag-aaral dahil sa mga usaping pangseguridad.


Sa isang panayam matapos ang insidente, sinabi ni Trump na hindi siya nabahala sa nangyari.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page