top of page
SHOWBIZ SPECIAL - ROMNICK- 54-ANYOS NA AKO, NAGBI-VIDEO GAMES PA RIN, WALA PA AKONG NASAKT
Search

ni Jenny Rose Albason @World News | May 25, 2026



US President Donald Trump - FB


Ipinagmalaki ni US President Donald Trump na may naabot nang mas malawak na kasunduan sa pagitan ng Estados Unidos at Iran.


Ayon sa kanya, bukod sa mas malalaking usaping diplomatiko, tinatalakay na rin ang posibilidad na muling mabuksan ang Strait of Hormuz, isa sa pinakamahalagang daluyan ng langis sa mundo.


Sinasabing ang pinal na kasunduan ay isasagawa pa sa pakikipag-ugnayan ng US, Islamic Republic of Iran, at ilang iba pang bansa.


Iniulat din na nakipag-usap si Trump sa telepono sa ilang lider mula sa Gulf at iba pang rehiyon, kabilang ang Saudi Arabia, United Arab Emirates, Qatar, Pakistan, Turkey, Egypt, Jordan, at Bahrain, upang talakayin ang mga negosasyong may kaugnayan sa Iran.


Hiwalay din niyang nakausap si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu, na ayon sa ulat ay naging positibo ang naging usapan.


Patuloy pa ang pag-uusap ng mga panig sa ilang detalye ng posibleng kasunduan, habang naaalala na ilang beses nang nabigo ang mga naunang negosasyon sa pagitan ng US at Iran na makabuo ng pinal na kasunduan.


 
 

ni Mylene Alfonso @World News | May 18, 2026



Donald J. Trump - FB

Photo: Donald J. Trump - FB



Nagbigay si U.S. President Donald Trump ng 24-oras na ultimatum sa gobyerno ng Iran, na nagbabala ng ganap na pagkawasak ang maaaring mangyari kung hindi agad ititigil ng Tehran ang umano’y mapanuksong kilos nito sa Persian Gulf.


Sa kanyang pagsasalita mula sa White House, ipinahiwatig ni Trump ang isang malawakang mobilisasyon ng militar habang kinumpirma ng Pentagon na nakapuwesto na ang carrier strike groups at mga B-52 bomber para sa agarang kinetic operations. 


Nabatid na ang mabilis na paglala ng sitwasyon ay bunsod ng sunud-sunod na tensyon sa rehiyon, na naglalagay umano sa Estados Unidos sa bingit ng direktang armadong sigalot laban sa Islamic Republic of Iran.


Habang papalapit ang itinakdang 24-oras na deadline, pinaigting na rin ang pandaigdigang diplomasya upang maiwasan ang digmaan, habang apektado na rin ang pandaigdigang merkado ng langis dahil sa posibilidad ng ganap na digmaan sa pagitan ng US at Iran.

 
 

ni Jenny Rose Albason @World News | May 13, 2026



America USA and Iran - Donald Trump FB - FP


Nagpadala ang Iran ng panukala sa Estados Unidos sa pamamagitan ng tagapamagitan na Pakistan, na layong wakasan ang umiinit na tensyon at mga kaguluhan sa iba’t ibang bahagi ng Middle East.


Sa nasabing proposal, iginiit ng Iran ang pagtanggal ng sanctions ng US Office of Foreign Assets Control (OFAC) sa pagbebenta ng Iranian oil sa loob ng 30 araw, gayundin ang pagwawakas ng naval blockade ng Amerika sa kanilang mga daungan.


Ayon sa mga ulat, kasama rin sa hiling ng Iran ang pagbigay ng kontrol sa Strait of Hormuz, sakaling matupad ng Estados Unidos ang ilang hindi ispesipikong kondisyon.

Gayunman, mariing tinanggihan ni US President Donald Trump ang naturang counter proposal sa pamamagitan ng kanyang Truth Social platform, at tinawag itong “totally unacceptable.”


Nagbabala rin ang Iran na hindi ito magpapaatras sa anumang posibleng ganting aksyon mula sa Estados Unidos, at tutol din ito sa pagpasok ng mas maraming foreign warships sa Strait of Hormuz.


Sa hiwalay na pahayag, binigyang-diin ni Iranian President Masoud Pezeshkian na hindi sila magpapasupil sa anumang kalaban, at ang pakikipag-usap o negosasyon ay hindi dapat ituring na pagsuko o pag-atras.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page