Microsoft Outlook, sapul ng malawakang outage

ni Mervin Reyes @News | November 14, 2026

Photo: Microsoft - Gonzalo Fuentes - Reuters - Circulated
Nakararanas ng aberya ang libu-libong users ng Microsoft nitong Biyernes, Nobyembre 13, matapos maapektuhan ng malawakang system outage ang ilang serbisyo nito, kabilang ang Outlook, Teams at Copilot.
Batay sa Downdetector, halos 130,000 users ang nag-ulat ng problema sa Microsoft Outlook alas-2 ng madaling-araw. Bumaba ito sa humigit-kumulang 50,000 pagsapit ng alas-5:30 ng madaling-araw.
Naapektuhan din ang Microsoft Teams at ang AI assistant nitong Copilot.
Itinuro ng Microsoft ang “elevated load” sa mga imprastraktura nito sa iba’t ibang rehiyon bilang sanhi ng connectivity issues.
Kabilang sa mga apektado ang ilang users sa Southeast Asia, kabilang ang mga IT professional at empleyado ng business process outsourcing (BPO) companies sa Pilipinas.
Tiniyak ng kumpanya na kumikilos na ito upang maibsan ang epekto ng aberya.





Comments