top of page
Search

ni Mylene Alfonso @World News | March 2, 2026



Lugar ng pagsabog sa Manama, Bahrain nitong Pebrero 28, 2026 - Reuters

Photo: Ang lugar ng pagsabog sa Manama, Bahrain nitong Pebrero 28, 2026 - Reuters



Inihayag ng ilang bansa sa Middle East na tinarget sila ng Iranian missiles nitong Sabado matapos mangako ang Tehran na gaganti sila sa ginawang pag-atake naman sa kanila ng Amerika at Israel.


Iniulat ng state media sa United Arab Emirates na isang tao ang nasawi sa Abu Dhabi, ngunit walang ibinigay na detalye.


Ang Kuwait, Qatar, UAE, at Jordan — na pawang may base militar ng US — ay nagsabing naharang nila ang mga missiles ng Iran.


Kinumpirma ng Bahrain ang isang pag-atake sa loob ng teritoryo nito at sinabing tinamaan ang isang service center ng US Fifth Fleet. 


May nakita rin na mga fighter jet na umiikot sa paligid ng Yas Island sa Abu Dhabi noong Sabado ng hapon.


Sa Qatar, sinabi ng militar sa isang pahayag na na-intercept nila ang mga missile ng Iran bago pa man ito makarating sa kanilang teritoryo. Ilang sunud-sunod na pagsabog ang narinig sa kabisera ng Qatar na Doha.


Sinabi naman ng Kuwaiti military na naharang nila ang missiles ng Iran sa himpapawid, habang sinabi ng Jordan na napabagsak nito ang dalawang ballistic missile ng Iran.





Iskul binomba, 100 patay


NASAWI ang hindi bababa sa 108 katao matapos ang umano’y isang malakas na pagsabog sa loob ng isang paaralan sa Iran.


Naganap ang insidente kasabay ng sunud-sunod at malawakang air strike ng United States at Israel laban sa naturang bansa noong Sabado.


Tinawag naman ni Iranian President Masoud Pezeshkian ang insidente bilang isang “barbaric act” at “another black page in the record of countless crimes committed by the aggressors.”


Gayunman, wala pang kumpirmasyon ang US at Israel hinggil sa umano’y pag-atake sa paaralan na matatagpuan malapit sa isang base ng Islamic Revolutionary Guard Corps (IRGC), na isa sa mga target ng mga air strike.





Dubai Airport, Burj Al Arab Hotel, sapul sa drone attack


NAGTAMO ng pinsala ang Dubai International Airport at ang iconic na Burj Al Arab hotel matapos ang overnight retaliatory attacks ng Iran na umabot sa iba’t ibang bahagi ng Gulf.


Apat ang sugatan sa paliparan habang nasunog ang bahagi ng panlabas na facade ng hotel dahil sa debris mula sa na-intercept na drone.

 
 

by Jenny Rose Albason @World News | February 16, 2026



Donald J. Trump - FB

Photo: Donald J. Trump - FB



Naghahanda ang militar ng Estados Unidos para sa posibilidad ng tuluy-tuloy at ilang linggong operasyon laban sa Iran kung mag-uutos si US President Donald Trump na atakihin ang bansa. 


Ayon sa kanila, mas malawak at mas seryoso ang plano kumpara sa mga naunang military retaliation ng Amerika.


Nakasaad na nakatakdang makipagpulong sina Steve Witkoff at Jared Kushner, kinatawan ng Amerika, sa mga kinatawan ng Iran sa Geneva sa Martes, sa tulong ng Oman bilang tagapamagitan para talakayin ang kasunduang pangkapayapaan. Sinabi naman ni US Secretary of State Marco Rubio na mas nais ni Trump ang kasunduan sa Tehran, ngunit aminadong mahirap itong makamit.


Kasabay nito, patuloy ang pagdami ng puwersang militar ng US sa rehiyon. Kinumpirma ng Pentagon ang pagpapadala ng karagdagang aircraft carrier, libu-libong tropa, fighter aircraft, at guided-missile destroyers sa Middle East.


Sa isang talumpati sa North Carolina, binanggit ni Trump ang posibilidad ng “regime change” sa Iran, bagama’t hindi tinukoy kung sino ang nais niyang pumalit. Ayon sa White House spokesperson na si Anna Kelly, “all options on the table with regard to Iran,” at si Trump ang magpapasya base sa interes ng Amerika. Tumanggi namang magkomento ang Pentagon sa detalye ng operasyon.


Noong nakaraang taon, nagsagawa ang US ng limitadong pag-atake sa mga nuclear site ng Iran, kabilang ang “Midnight Hammer” na gumamit ng stealth bombers. Gumanti ang Iran sa pamamagitan ng limitadong strike sa isang base ng US sa Qatar. Ayon sa mga opisyal, mas kumplikado ang planong operasyon ngayon, at posibleng targetin hindi lamang ang nuclear facilities kundi pati ang mga pasilidad ng estado at seguridad ng bansa.


Babala ng mga eksperto, mataas ang panganib sa mga puwersa ng US dahil sa arsenal ng missile ng Iran. Posible rin na ang serye ng gantihan ay magpalawak sa tensyon ng gera sa buong rehiyon. Matatag ang Islamic Revolutionary Guard Corps ng Iran at sinabi nitong maaari silang gumanti laban sa alinmang base militar ng US sakaling atakihin ang kanilang teritoryo.


May mga base militar ang US sa Jordan, Kuwait, Saudi Arabia, Qatar, Bahrain, United Arab Emirates, at Turkey. Sa gitna ng tumitinding tensyon, sinabi ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na anumang kasunduan sa Iran ay dapat maglaman ng elementong makikinabang sa Israel. Ipinahayag naman ng Iran na handa silang talakayin ang limitasyon sa nuclear program kapalit ng pag-alis ng mga sanksyon ng Amerika, ngunit tumangging isama sa negosasyon ang kanilang missile program.

 
 

by Jenny Rose Albason @Overseas | February 11, 2026



Extreme cold

Photo: Circulated / Telegrafi



Umabot na sa kabuuang 18 ang nasawi dahil sa matinding lamig sa New York City.


Mula huling bahagi ng Enero, nakaranas ang lungsod ng matinding lamig, kabilang ang 13 araw na may temperatura na 0°C (32°F) o mas mababa pa – isa sa pinakamahabang yugto ng sobrang lamig na naranasan ng New York sa nakalipas na anim na dekada.


Sa nakaraang weekend, isa pa ang namatay sa kalye ng lungsod, na nagdagdag sa bilang ng mga biktima ng lamig.


Bagamat inaasahang tataas ang temperatura ngayong linggo, nananatili pa rin itong mas mababa kaysa sa karaniwan, kaya patuloy na pinapayuhan ang mga residente na maging maingat, manatili sa loob ng bahay.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page