by Info @World News | January 4, 2025

Photo File: Donald Trump / AFP
Ipinahayag ni U.S. President Donald Trump, ngayong Linggo (Jan. 4 Manila time) na pamamahalaan o patatakbuhin na ng Estados Unidos ang Venezuela kasunod ng kanyang inilarawan bilang "successful" ang magdamag na military operation na humantong sa pag-aresto kay Venezuelan President Nicolás Maduro at sa asawa nito na si Cilia Flores, sa Caracas.
Sa kanyang pagsasalita mula sa Mar-a-Lago sa Florida, sinabi ni Trump na ang US armed forces ay nagsagawa ng isang coordinated air, land, at sea assault sa Venezuelan capital nitong Sabado, laban sa military unit na tapat kay Maduro at inaresto ang mag-asawa.
“We are going to run the country until such time as we can do a safe, proper, and judicious transition,” ayon Kay Trump.
Mananatili naman ang US forces sa Venezuela hanggang sa maitatag ang isang bagong gobyerno nito, dagdag pa niya.





