9 natusta sa hotel
- BULGAR

- 13 hours ago
- 1 min read
ni Justine Berganio @Overseas News | August 20, 2026

Photo: Sunog sa isang budget hotel sa central Kolkata, India - India Global Review
Patay ang siyam na katao, kabilang ang isang bata, matapos sumiklab ang sunog sa isang budget hotel sa central Kolkata, India, madaling-araw nitong Miyerkules.
Alas-2:50 ng madaling-araw nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng hotel. Agad namang rumesponde ang mga bumbero at naapula ang apoy makalipas ang halos isang oras.
Tinatayang 30 katao ang ligtas na nailikas sa gusali, habang siyam pa ang isinugod sa ospital. Ayon sa mga awtoridad, kabilang sa mga nasawi ay anim na lalaki, dalawang babae at isang bata.
Posibleng electrical short circuit ang pinagmulan ng sunog, habang iniimbestigahan pa ang eksaktong dahilan. May paunang ulat din na maaaring sumabog ang air-conditioning unit ng hotel at nagsimula ang apoy.
Mabilis kumalat ang makapal na usok sa gusali at ilan sa mga biktima ay natagpuan sa loob ng mga banyo, ayon sa fire services director ng West Bengal.
May mga ulat na ilan sa mga nasawi ay mga Bangladeshi na nagtungo sa Kolkata para magpagamot. Gayunman, sinabi ng pulisya na hindi pa kumpirmado ang nationality ng mga biktima.
Nasa masikip na bahagi ng central Kolkata ang hotel, na kilala sa murang accommodation at mga restaurant.





Comments