2 Iranian delegate, pinaalis ng US

by BRT @News | October 4, 2026

Photo: Foreign Minister Abbas Araghchi - EPA images
Pinaalis ng United States ang dalawang miyembro ng Iranian delegation matapos umanong hindi sumunod sa utos na umalis sa bansa kasunod ng pagdalo nila sa UN General Assembly.
Ayon sa US State Department, inatasan na ang Iranian delegation ni Foreign Minister Abbas Araghchi na umalis sa New York. Ngunit natuklasang nananatili pa rin sa lugar ang dalawang miyembro nito.
Isa sa kanila ang umalis noong Biyernes ng gabi habang ang isa naman ay umalis noong Sabado ng umaga.
Nauna nang nag-usap ang mga opisyal ng US at Iran sa New York habang isinasagawa ang UN General Assembly.





Comments