top of page
BIDA - DENNIS KAY GELLI- SISIHIN MO ‘YUNG NAGSIMULA NG GULO_IG _dennistrillo & _gellidebel

Minahan gumuho, 5 dedbol

Writer: BULGAR
BULGAR
17 hours ago
1 min read

ni Justine Berganio @Overseas News | October 4, 2026



Minahan gumuho, 5 dedbol

Photo: Newswires



Patay ang limang minero matapos gumuho ang minahan sa Soma district, Manisa province, western Turkey nitong Huwebes.


Ayon sa mga awtoridad, pito ang na-trap sa minahan. Dalawa ang unang nailigtas at dinala sa ospital, habang dalawang bangkay ang unang narekober bago tuluyang makuha ang tatlo pang nasawi nitong Biyernes.


Iniutos ni Justice Minister Akin Gurlek ang imbestigasyon sa insidente. Siyam na opisyal ng kumpanyang nagpapatakbo ng minahan, kabilang ang manager, ang na-detain dahil sa hinihinalang kapabayaan.


Samantala, isa pang minero ang namatay sa hiwalay na pagguho ng isang unlicensed mine sa Kilimli, sa Black Sea coast ng Turkey.


Matindi ang naging kasaysayan ng Soma sa mining disasters matapos mamatay ang 301 minero noong 2014 dahil sa sunog sa ilalim ng minahan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page