Tangkang pagbitay, nabigo; babaeng convicted killer, nasa ospital

by BRO @News | October 1, 2026

Photo: Christa Pike - Courtesy Tennessee Department of Corrections
Nabigo ang pagtatangkang bitayin sa lethal injection ang convicted murderer na si Christa Pike sa Tennessee, US, matapos umanong manatiling humihinga ang babae kahit naibigay na ang mga gamot na dapat pumatay sa kanya.
Ayon sa kanyang mga abogado, dinala si Pike sa ospital matapos mabigong maisagawa ang execution. Dalawang injection ng pentobarbital ang ibinigay sa kanya.
Isinagawa ang execution sa Riverbend Maximum Security Institution matapos payagan ng US Supreme Court. Ayon sa mga saksi, kabilang ang mga mamamahayag, tila buhay pa si Pike nang matapos ang proseso.
Si Pike ay 18 anyos nang hatulan sa pagpatay kay Colleen Slemmer, 19, noong 1995. Nakatanggap siya ng death sentence at halos tatlong dekada nang nakapiit sa death row.
Iginiit ng kanyang mga abogado na dapat siyang bigyan ng clemency dahil sa kanyang edad at mga problema sa mental health noong nangyari ang krimen.





Comments