Kumampi raw kay Patrick kesa kay Jennylyn… GELLI, DUROG SA BANAT NG NETIZENS, APEKTADO NA

ni Vinia VIvar @Frankly | October 5, 2026

Photo: Gelli de Belen - IG
As of press time, patuloy na kinukuyog ng mga bashers si Gelli de Belen matapos siyang magbigay ng pahayag sa controversial issue nina Patrick Garcia and Jennylyn Mercado.
Sa guesting kasi ng aktres sa Chika Cart, hosted by Baninay Bautista, Donita Nose at Jefferson Fernando, nahingan siya ng opinyon tungkol sa isyung pinag-uusapan ngayon ng bayan na nagsimula sa tell-all interview ni Patrick kay Ogie Diaz.
Sinagot naman ni Gelli ang tanong pero hindi nagustuhan ng mga netizens ang kanyang sagot dahil feeling nila ay kinakampihan ng aktres si Patrick.
Maging si Dennis Trillo nga ay hindi rin napigilang mag-react at sunud-sunod din ang kanyang komento sa viral video ni Gelli sa Instagram (IG).
Sa isa niyang komento ay tinawag pa niyang ‘8080’ o ‘bobo’ ang mga hosts na sumasang-ayon kay Gelli.
Kasabay nito ay walang patumanggang pamba-bash ang inabot ng aktres mula sa mga netizens at mga supporters ni Jenn.
“Ms. Gelli, with all due respect, mali ‘yung comment mo sa show. I don’t know if friend ka ba ng mga Garcia or what pero it was clearly Patrick’s fault alone. ‘Di n’ya kailangang siraan si Jenn, let alone HIS son Jazz.
“You can’t blame the netizens if ipagtanggol nila si Jenn. Masyado ka kasing pa-neutral. ‘Di lang anak ni Patrick kay Nikka ang nasasaktan dito, tandaan mo. Pabida ka kasi masyado,” komento ng isang netizen.
“Sabi mo, Gelli, ‘The reason this was brought up kasi nasasaktan ang anak ni Patrick.’ Wow, ha? Eh, si Jazz, ‘di ba, anak din ni Patrick? Eldest child pa. One-sided ‘tong comment na ‘to ni Gelli,” sabi naman ng isa pa.
Sa ngayon ay wala pang pahayag ang aktres tungkol sa mga sinabi ni Dennis at sa matitinding bashings na natatanggap niya, pero ayon sa aming source na malapit sa kanya ay affected daw ang aktres dahil wala naman itong masamang ibig sabihin sa mga sinabi.
As for Dennis, hindi namin masisi ang aktor sa kanyang initial reaction dahil nga sa pagmamahal niya sa asawa at sa kanyang pamilya na gagawin niya ang lahat para ipagtanggol at protektahan ang mga ito.
Sa totoo lang, masuwerte si Jennylyn sa pagkakaroon ng asawang tulad ni Dennis.





Comments