top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg

8 sa Perlas Spikers, positive; Senegal, 4 sa OQT may COVID-19

  • BULGAR
  • Jun 30, 2021
  • 2 min read

ni MC / VA - @Sports | June 30, 2021




Isiniwalat ng Perlas Spikers na 7 sa kanilang players kasama ang coach ang tinamaan ng COVID-19 habang nasa Baguio training camp para sa paghahanda sa Premier Volleyball League Open Conference.


Nilinaw nila na hindi sila lumabag sa health protocols, taliwas sa sinasabi ng news reports, na pumuga sila sa quarters kaya nahawahan ng COVID-19. Sinusunod umano nila ang home-venue-home set-up set ng binuo ng club at city government. Ayon kay Perlas captain Jem Ferrer, mali umano ang balitang pumuga sa quarters nila sa Teachers’ Camp ang mga nagpositibong manlalaro kaya nahawa ng virus dahil hindi umano sila nanatili roon.




“We are not billeted in Teacher’s Camp,” ani Ferrer. “The only places that we go to apart from our accommodation are our court training venue and our gym training.” “In our accommodation, there is a CCTV that monitors us 24/7 and that can prove that we do not go out of our gates except for court training and gym training as mentioned earlier," dagdag pa nito.


Ibinalita pa ng ace setter na ang ibang players at coaches ay nag-negatibo sa test at nasa maayos na kondisyon habang ang mga nagpositibo ay nagpapagaling sa quarantine facility. Sasailalim ang buong koponan sa RT-PCR tests sa July 6. Nagsimulang mag-ensayo ang Perlas Spikers sa Saint Vincent Gym noong May 30.


Samantala, tuluyan nang umatras ang Senegal sa paglahok sa FIBA Olympic Qualifying Tournament sa Belgrade, Serbia matapos magpositibo ang apat na miyembro ng kanilang delegasyon sa nakamamatay na COVID-19. Inanunsiyo ng Senegalese basketball federation ang mapait na balita nitong umaga ng Martes dahilan para ma-forfeit ang laban nila kontra sa Italy at Puerto Rico. Naging bronze medalist ang Senegal sa 2017 Afrobasket at nagtapos na 30th place sa 2019 FIBA World Cup sa China. Dahil sa pangyayari, kanselado na ang laro ng Senegal kontra sa Puerto Rico ngayong Miyerkules at Italy sa Huwebes.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page