5.1 lindol, yumanig sa Cebu
- BULGAR

- 12 hours ago
- 1 min read
ni Jeff Tumbado | April 7, 2026

Niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ang malaking bahagi ng Cebu at Leyte, kahapon.
Batay sa ulat ng Phivolcs, alas-3:22 ng hapon nang magsimula ang pagyanig kung saan natukoy ang epicenter sa layong 17 kilometro timog-silangan ng City of Bogo, Cebu at may lalim na 10 kilometro.
Batay sa instrumental intensities, naramdaman ang lindol sa iba’t ibang lugar:
Intensity IV: San Francisco, Cebu; Hilongos at Villaba, Leyte
Intensity III: Liloan, Talisay, Cebu City, Lapu-Lapu City, Cebu; Isabel, Baybay, Carigara, Ormoc City, Abuyog, Leyte; Esperanza, Masbate; Hinundayan, Southern Leyte
Intensity II: Kawayan at Naval, Biliran; Roxas City, Capiz; Carcar, San Fernando, Argao, Asturias, Cebu; Iloilo City; Dulag, Alangalang, Palo, Leyte; La Carlota City, Negros Occidental; Silago at Sogod, Southern Leyte
Intensity I: Tapaz, Capiz; Borongan City, Eastern Samar; Jordan, Guimaras; Passi City, Iloilo; Aroroy at Cataingan, Masbate; Bacolod City, Negros Occidental; Gandara, Samar.
Wala namang iniulat na pinsala o nasawi ngunit pinapayuhan ang publiko na maging mapagmatyag at handa sa posibleng aftershocks.




Comments