top of page
Search

by Info @News | October 11, 2025



Davao 7.3 earthquake - Rhoderrick Hernandez

Photo: Rhoderrick Hernandez / Circulated



Pumalo na sa pito ang nasawi matapos ang magkasunod na magnitude 7.4 at 6.8 na lindol sa Manay, Davao Oriental kahapon, Oktubre 10, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).


Samantala, 11 naman ang naiulat na sugatan dahil sa lindol.


Patuloy sa beripikasyon ang ahensya sa mga datos.

 
 

by Info @News | October 2, 2025



Sarah Discaya at Lacson - Circulated

Photo: Cebu Province / FB



Umakyat na sa 72 ang bilang ng mga nasawi dahil sa malakas na lindol na tumama sa Cebu, batay sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong Huwebes, Oktubre 2.


Samantala, 294 naman ang kasalukuyang injured bunsod din nito.

 
 

ni BRT @Overseas News | Mar. 29, 2025



File Photo: Magnitude 7.7 earthquake sa Myanmar na umabot sa Thailand - Lillian Suwanrumpha / AFP


Isang malakas na lindol ang yumanig sa central Myanmar kahapon, Marso 28.

Ayon sa United States Geological Survey (USGS), naitala ang magnitude 7.7 na lindol na may lalim na 10 km (6.2 miles) at nasundan pa ng mga malalakas na aftershock.


Na-trace ang epicenter ng pagyanig 17.2 kilometro mula sa Lungsod ng Mandalay, ang ikalawang malaking lugar sa Myanmar na may populasyon na 1.5 milyon.


Sa social media posts ng Mandalay, Myanmar, nag-collapse ang mga gusali at nagbagsakan ang mga debris sa ancient royal capital ng bansa.


Nasira rin sa pagyanig ang mga kalsada sa kabisera ng Naypyidaw, mga gusali, at nagdulot ng paglabas ng mga tao sa kalye sa kalapit na bansang Thailand.


Gumuho rin ang isang itinatayong gusali sa Bangkok, Thailand.


Wala pa namang opisyal na ulat ukol sa mga nasawi, nasugatan at laki ng pinsala.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page