top of page
Nadine Lustre - Zero Studio PH.jpg

Ex-pulis at sundalo, scam hubs worker na — Jonvic

Writer: BULGAR
BULGAR
4 hours ago
1 min read

ni Mervin Reyes @News | October 23, 2026



Jonvic Remulla - DILG PH

Photo: Jonvic Remulla - DILG PH



Ibinunyag ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na may mga sinibak na pulis at sundalong nagtatrabaho na sa mga scam hub, kabilang ang tatlong aktibong “micro hub” sa Metro Manila na iniimbestigahan ng mga awtoridad.


Ayon kay Remulla, bagong estratehiya ng mga scammer ang paggamit ng maliliit na bahay bilang taguan ng kanilang operasyon, sa halip na magtipon ng libu-libong tauhan sa iisanggusali.


Tinatawag na “micro hub” ang mga ito dahil nasa 10 hanggang 20 katao lamang ang kayang paglagyan ng bawat lugar.


Hindi pa tinukoy ng kalihim ang pagkakakilanlan at bilang ng mga dating pulis at sundalong hinihinalang sangkot, habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.


Kinumpirma rin ni Remulla na mga dayuhan ang nagpapatakbo sa mga micro hub, ngunit may mga Pilipinong katuwang ang mga ito. Kabilang umano sa ginagamit na tauhan ng mga operator ang mga sinibak na pulis at sundalo.


Patuloy ang pagtugis ng mga awtoridad sa mga naturang hub kasunod ng pagsalakay sa isang hinihinalang scam hub sa Zamboanga Sibugay noong Oktubre 2.


Nagresulta ang operasyon sa pag-aresto at pagsagip sa 244 na dayuhan, karamihan ay Chinese.


Binigyang-diin ni Remulla na hindi malawakan ang operasyon ng mga micro hub at nakapokus lamang sa ilang lugar.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page