top of page
Search

by Info @News | October 11, 2025



Davao 7.3 earthquake - Rhoderrick Hernandez

Photo: Office of Civil Defense



Walang anumang koneksyon sa isa’t isa ang sunud-sunod na lindol sa Cebu, La Union, at Davao Oriental, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).


Paglilinaw ng ahensya, magkakaibang fault ang nagdulot ng pagyanig sa nasabing mga lugar.


Dagdag pa nila, normal lang umano ang lindol sa Pilipinas dahil bahagi ang bansa ng Pacific Ring of Fire.

 
 

by Info @News | October 11, 2025



Davao 7.3 earthquake - Rhoderrick Hernandez

Photo: Rhoderrick Hernandez / Circulated



Pumalo na sa pito ang nasawi matapos ang magkasunod na magnitude 7.4 at 6.8 na lindol sa Manay, Davao Oriental kahapon, Oktubre 10, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).


Samantala, 11 naman ang naiulat na sugatan dahil sa lindol.


Patuloy sa beripikasyon ang ahensya sa mga datos.

 
 

ni Eli San Miguel - Trainee @News | January 3, 2024



ree

Umabot na sa 62 ang bilang ng namatay sa malakas na lindol na tumama sa Japan noong Bagong Taon.


May 7.6 preliminary magnitude ang lindol na tumama sa Noto peninsula noong Lunes ng hapon, na nagresulta sa pagkatumba ng mga bahay at kawalan ng koneksyon ng mga liblib na lugar mula sa kinakailangang tulong.


Mahigit sa 140 na pagyanig ang naitala mula nang unang tumama ang lindol, ayon sa Japan Meteorological Agency.


Nagbabala naman ang ahensya na maaaring magkaroon pa ng mas malalakas na pagyanig sa mga susunod na araw.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page