May isyu pa sa SC... SolGen kay PBBM: Unprogrammed fund, huwag muna galawin

by BRT @News | October 23, 2026

Photo: Solicitor General Darlene Marie Berberabe - PCO
Pinayuhan ng Office of the Solicitor General ang Ehekutibo at ang Department of Budget and Management na huwag munang gamitin ang unprogrammed appropriations sa ilalim ng 2026 budget.
Ayon kay Solicitor General Darlene Marie Berberabe, layon nito na maiwasang malabag ang kautusan ng Korte Suprema.
Giit ni Berberabe, mainam na malinawan muna ang desisyon ng korte patungkol sa Special Provisions 1-A at 1-B o ang probisyong nagtatakda kung kailan maaaring gamitin o i-release ang mga standby funds ng gobyerno.





Comments