top of page
Nadine Lustre - Zero Studio PH.jpg

5 yrs. old, tinangay sa eskwelahan

Writer: BULGAR
BULGAR
4 hours ago
1 min read

ni Mervin Reyes @News | October 23, 2026



5 yrs. old, tinangay sa eskwelahan

Photo: PNP Alaminos Municipal Police Station



Nananawagan ang isang ina na ibalik ang kanyang 5-anyos na anak matapos itong isama umano ng isang lalaki mula sa paaralan sa Calamba City, Laguna, noong Oktubre 20.


Ayon sa inang si ‘Erica’, kilala ng bata ang suspek dahil dati itong kinakasama ng kanyang lola at tumutulong sa pag-aalaga at pagsundo sa kanya.


“Ibalik mo na ‘yung anak ko, kasi hindi ko alam kung safe ba siya, kumakain ba siya,” pakiusap ng ina.


Bumuo na ang Calamba Police ng Special Investigation Team upang hanapin ang bata at ang suspek. Nanawagan din ang pulisya na ligtas na ibalik ang bata sa pamilya o dalhin ito sa pinakamalapit na barangay hall.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page