top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg

4th place si Obiena sa ISTAF; Ravena bros., nagkita sa B. League

  • BULGAR
  • Sep 14, 2021
  • 1 min read

ni MC / VA - @Sports | September 14, 2021



Matapos itala ang bagong Asian pole vault record, nagtapos na pang-apat ang Filipino Olympian na si EJ Obiena sa ISTAF Berlin tournament sa Germany noong Linggo (oras doon).

Nakatatlong attempts si Obiena bago natalon ang taas na 5.81-meters.Nagtangka siyang tumalon sa 5.91 meter mark matapos likdangan ang 5.86 meters, ngunit bigo siyang ma clear ang nasabing level.

Dahil dito, hindi umabot sa podium ang Filipino pole vaulter na tumapos lamang siya sa 4th kasunod ng mga Amerikanong sina Sam Kendricks(5.91m), Christopher Nilsen (5.91m)at KC Lightfoot (5.81m)na siyang kumopo ng gold silver at bronze ayon sa pagkakasunod.

Nakopo ni Lightfoot ang bronze dahil natalon niya ito sa una niyang attempt kumpara kay Obiena na nakatatlong attempts.

Samantala, nagbonding muna ang magkapatid na sina Kiefer at Thirdy Ravena sa Japan bago maglaro sa paparating na Japan Professional Basketball League (B.League) season.

Nitong Linggo, nag-post si Kiefer ng litrato na magkasama sila ni Thirdy na may caption na: “Backpackin’ around the world til the dream comes true..”


Ayon sa ulat, nasa Japan si Kiefer upang ayusin ang ilang mga dokumento para sa kanyang paglalaro sa Japan B. League. Pero, babalik pa rin umano ito sa Pilipinas upang tapusin ang PBA Philippine Cup sa NLEX Road Warriors.


Samantala, nagsisimula nang mag-ensayo si Thirdy kasama ang NeoPhoenix. Ilan lamang ang magkapatid na Ravena sa walong Filipino players na lalaro sa Japan para sa paparating na season.


Lalaro rin sina De Liaño brothers Juan at Javi, Ray Parks, Kobe Paras, Dwight Ramos, at Kemark Cariño sa ilalim ng Asian Player Quota para sa ibang teams. Nakatakdang magsimula ang B.League season sa September 30.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page