top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

'Yun lang, naisahan na… ELLEN, TAMEME SA PANLOLOKO NI DEREK

  • BULGAR
  • Apr 17, 2021
  • 1 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | April 17, 2021




'Kaaliw ang magdyowang Derek Ramsay at Ellen Adarna, kakaiba rin ang trip nila, eh!


Nasusubaybayan namin ang mga posts nina Derek at Ellen sa Instagram at 'yung isang latest video na ipinost ni Derek, halos gumulong na ito sa sahig sa katatawa pagkatapos ng ginawa niyang kalokohan sa fiancée na si Ellen.


Makikita sa video na seryoso si Derek na nag-request kay Ellen na ipasok ang isang kamay sa ginawa niyang bilog sa pinagkonek na dalawang kamay ng aktor.


Nu'ng makapasok na ang kamay ni Ellen, dinuraan ito ni Derek kaya nagulat ang aktres at biglang hinatak ang kamay.


Makikita sa video na tawang-tawa si Derek habang tumatakbo palayo kay Ellen na naisahan niya sa kanyang prank.


Natameme naman si Ellen at in fairness, hindi nagwala sa galit pagkatapos siyang pagkatuwaan ng fiance.


Nakakatuwa lang ang relasyon nila, swak na swak ang kanilang kabaliwan. Quits lang naman dahil kung matatandaan, una ring pinagkatuwaan ni Ellen si Derek nang i-wax niya ang mga balahibo ng aktor.


Hahaha! Walang basagan ng trip!



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page